12. Kiss Me

15.9K 383 78
                                    

A/N: Mas maganda pag yung mga ganitong eksena, may music playing in the background, diba? Please play the song "Kiss Me" by Ed Sheeran ON REPEAT. Lol. Swak yun. ;)

JUNE 19, Friday morning, 4:36 AM

Eto, si Glaiza, dilat pa rin ang mga mata. Nakatingala siya sa kisame.

Nasaan si Rhian? Syempre, nasaan pa ba? Same position sila ngayon sa higaan gaya nung unang gabi na nagkasama sila sa loob ng kwarto niya. Hindi niya na pinahiga sa kabilang kuwarto kasi alam naman niya na kakatok na naman ito for sure para magsabi na hindi ito makatulog at kung pwede tabi na lang sila ulit. Lol.

Kamalas-malasan nga lang, sa sandaling dumikit ang katawan ni Rhian sa higaan, nakatulog agad ito sa tabi niya. Haha. Ano pa ba ang ieexpect natin? Siguro dahil na rin sa pagod. Lakas nga ng hilik eh. Well, di naman sa nag-eexpect si Glaiza (isama na rin ang bawat rebelde) ng kung ano pero... yung totoo, hindi niya inaasahan na tutulugan siya agad nito lalo na sa mga panahon pa na yun na kaka-confess lang nila sa isa't isa? Sa bagay, naiintindihan naman niya. Nakatulog na rin naman kasi siya sa loob ng sasakyan kanina samantalang si Rhian eh nagda-drive. Kaya okay lang. Intindihin na lang.

Isa pang reason kaya hindi pa makatulog si Glaiza nang mga oras na yun, kasi hindi pa rin siya makarecover sa nangyari sa kanila kanina. Isang gabi lang pero parang andami niya agad na-achieve.. andami na agad nangyari. Hindi siya makapaniwalang magagawa niyang magtapat finally ng nararamdaman niya. At ang mas nakakatuwa pa, nagawa ding magtapat ni Rhian sa kanya, so she found out that the feelings are actually mutual. Feeling niya, nabunutan siya ng isang malalim na tinik sa dibdib.

Pero naisip niya, parang malabo pa rin ata ang sitwasyon nila ngayon. Kasi ano na nga ba sila? Are they still considered JUST friends? O dalawang taong may mutual understanding pero hindi pa rin naman officially on? Wait, so, hindi pa nga sila, o sila na? Naku naman. Naguguluhan na naman siya. Hindi kasi ito yung tulad ng isang relasyon na may ligawang nangyari kasi wala naman nga, so walang dapat bigyan ng matamis na "oo". Malabo talaga. Sobrang bago lahat ng ito sa kanya. Naalala niya tuloy, nagsabihan na ba sila ng "I love you" sa isa't isa? Shemay, hindi pa nga pala, diba?!

"Lab.. Bakit.. gising ka pa?"

Naputol ang iniisip na yun ni Glaiza nang marinig niya ang boses ni Rhian. Mas lalo siya nagulat nang walang ano ano'y bigla itong yumakap at dumantay sa kanya. Lol. Paganahin nyo na lang po ang inyong napakalawak na imahinasyon. =p

"Ah.. kwan.. naalimpungatan lang ako bigla. Sige, tulog na tayo ulit." Pagkatapos nun, pumikit siya agad. Para siyang naging stiff sa kinahihigaan niya. Yung mukha kasi ni Rhian, nakaharap sa bandang leeg niya. At sobrang nararamdaman niya ang paghinga nito. Damn. Kinikilabutan na siya. Sobrang pigil ang paghinga.

"Okay ka lang ba? Masyado ka bang nasisikipan?" Tanong ni Rhian na nagpadilat ulit ng mga mata niya. Tiningnan niya ito. Napansin niya na nakangiti na ito sa kanya. Ano na naman ba ang ibigsabihin ng ngiting yan, Rhian?? Then, napansin niya na nakasiksik na pala sila sa gitna ng kama dahil napakaraming space pa sa magkabilang gilid. Talking about "ya can't be any more obvious ya want something to happen, huh."

"Medyo lang. Pero sige lang, kung mas komportable ka naman sa ganitong posisyon e." Napangiti na lang din siya. "Sige na. Tulog na tayo."

Bigla naman ay bumitaw sa kanya si Rhian. Umayos ito ng higa at dumistansya nang kaunti sa kanya. Pero nanatiling nakaharap ito, as if Rhian's watching her sleeping. Nagtaka naman siya sa ginawa nito.

"Bakit?" Humarap na rin siya dito.

Hindi ito sumagot, instead, nanatili itong nakatitig sa mga mata niya.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now