JULY 31, Friday noon
"Para samin ba yan?" Tanong ni Rhian kay Glaiza. Nahulaan niya na kasi ang gagawin nito.
"Ah.. oo sana."
At bago pa maiabot ni Glaiza ang mga bottled water kanila Rhian at Solenn.... nahablot na agad ni Rhian yung isa mula sa kamay niya.
"Answeet mo naman. Thank you. Nakakauhaw nga." Sabay bukas sa bote.
Nanlaki naman ang mga mata ni Glaiza dahil ang natirang bote sa kamay niya ay yung may bawas na niya. Tengeneng. Hahahaha. (´∀')
Akma nang tutunggain ni Rhian ang kakabukas niya lang na bottled water nang tahasan siyang pinigilan ni Glaiza sa pag-inom. "Rhian, no!"
Kumunot ang noo ni Rhian. Inagaw kasi ulet ni Glaiza ang bote mula sa kamay niya.
"Ha? Bakit? Kala ko ba..?" Naguguluhan niyang tanong.
"Hindi kasi sayo to eh.. kay.. Solenn kasi to." Sabay abot kay Solenn ng boteng binuksan ni Rhian kanina pero wala pang bawas.
"Huh?" Naguguluhan na rin si Solenn. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.
"Eto kasi yung sayo.." Inabot naman ni Glaiza yung ininuman niya nang mineral water kay Rhian.
Nakakunot-noo pa rin si Rhian nang makitang may bawas na pala ang binigay sa kanyang bottled water ni Glaiza. Hindi niya tuloy malaman kung ano ba ang mararamdaman niya sa puntong yun. Hahahaha.
"Eh b-bakit... may bawas na yung akin?!" Parang batang maktol ni Rhian kay Glaiza. Hindi niya tuloy maiwasan magsentimyento kasi naman ang iniisip niya eh..... 'So yung akin, used and tira-tira?! Kay Solenn brand new?! Hmpft. *inserts angry emoji*' She pouted her lips afterwards, throwing tantrums. Lol.
"Eh kasi.." Napakamot si Glaiza sa bangs niya. "Ano kasi.. Nainuman ko na kasi yan Rhi eh. Eh naubusan na kasi ng tubig sa cooler. Ahm.. kung okay lang sayo eh.. share na lang tayo? Nakakahiya naman kasi kay Solenn kung may bawas ko na yung.. bibigay ko sa kanya e.."
"No, it's fine with me kahit yan na lang yung akin, may bawas.." Sabi naman ni Solenn dahil napansin niya nga na nagtatampo si Rhian. Lol. Naisip niyang mag-give way na lang. Hahaha.
Ngunit datapwat subalit.... nang malaman ni Rhian na si Glaiza naman pala ang uminom doon... (͡° ͜ʖ ͡°)
"Ay no.. Sige sayo na pala yan. Akin 'to eh." Nilayo niya yung bote kay Solenn sa pangamba na baka maagaw pa.. Kulang na lang ay yakapin niya ang bote at sambahin. Hahahaha. "Thank you Glai.. Sige share na lang tayo dito ha. Di mo naman kasi sinabi agad eh.... conjugal pala. Hahaha." Rhian said while having this wide grin on her face. Excited uminom kasi naman.... indirect kiss. Lol.
Hindi mapigilan ni Glaiza mapangiti. Naisip niya, sira-ulo talaga tong ex niya. Hahaha.
Walang ano-ano'y ininom ni Rhian yung tubig nila ni Glaiza. "Haay sarap, kung ito rin lang ang iinumin ko, kahit di na ko magkape forever!"
Napapangiti na lang si Glaiza sa gilid. Haha. Kashe naman.. halata niyang may laman na naman ang pahayag na yun ni Rhian. Natawa na rin si Solenn sa tabi.
~~~~~~
AUGUST 3, Monday afternoon
The last taping day came..
RaStro sought ways not to be sad.. Gusto nila happy lang at puro masasayang memories ang iiwan nila on that day....
Happy sila kasi mapagbibigyan na nila ang fans for their first time kissing scene on screen. Jusko, sobrang overdue na nga eh. Akala nga ng lahat hindi na mangyayari yun. So, existing pa rin pala ang miracle nowadays. Lol.