JUNE 25, Thursday morning, 7:42 AM
"Nagkabalikan na kami ulet." Balita ni Glaiza kay Chynna over the phone.
"Wow! Bilis ha. Alam ko, sinabi ko within this week, pero hindi ko naman akalain na kinabukasan agad. Pano nangyari? Nagkita ba kayo?"
Nilingon niya si Rhian na himbing na himbing sa pagtulog sa tabi niya. Napangiti siya kasi nakanganga pa ito. Halatang pagod.. dahil sa.... ;)
Bahala na po kayong mag-isip. Lol. ✌
"Actually.. kasama ko siya ngayon.. dito sa unit." Napakagat siya sa labi dahil sa kilig at saya na nadarama niya sa mga sandaling yun.
"Woah. At bakit kayo magkasama?! Parang marami ka ata ichichika sakin, ha." Makahulugang sabi ni Chynna.
Napakamot si Glaiza sa bangs niya. Hehe. Hindi siya makapagsalita.
"Oh, ano na? Nakooo... Parang iba na ata yang pananahimik mo dyan. Don't tell me....."
"Ano?"
"Oh my God. Oh my God. Please say no...."
"Anong please say no pinagsasabi mo dyan?"
"7:30 AM pa lang kasi tsong diba? Masyado naman maaga yan para bisitahin ka niya dyan, unless... dyan siya natulog."
"Shhhh. Wag ka nga maingay. Baka may makarinig sayo dyan e. Pero oo. Tama ka, dito nga siya natulog. Pero.. kelangan na namin magdoble ng ingat ngayon. Marami nang nakabantay samin e. So, please.. tulungan mo muna kami magtago. Hindi pa kasi kami ready ilantad tong relasyon namin.. okay lang ba?"
"Sus, ako pa ba? Kahit naman noon pa, your secret's safe with me na. Pero ang tanong dyan.. hanggang kelan nyo naman yan itatago?"
Napabunting hininga si Glaiza.
"Hindi ko pa alam.. basta... ang mahalaga masaya kami pareho ngayon.. Bahala na kung kelan."
"Lab..."
Napalingon si Glaiza sa pinanggalingan ng boses. Nakita niyang bahagyang napadilat si Rhian pero agad din ulit itong pumikit.
"Aga mo naman magising..." Dagdag pa nito, pagkatapos ay tumalikod sa kanya at sumiksik sa malaking unan sa tabi. Akmang nag-iba lang ng posisyon at babalik ulit sa pagtulog.
"Ah.. Chynns, tawagan na lang kita ulet maya, okay?"
"Oh sige.. pero balitaan mo ko kung tuloy dinner natin maya ha.. Alam mo na, baka kasi gusto nyo magkaron ng quality time together. Ayaw naman namin makaistorbo."
"Haha. Ganon? Oh sige, balitaan na lang kita. Thanks. Bye!"
Right after she hung up, she gently hugged Rhian from behind, spooning her. "Good morning, lablab.."
She just heard her moan. Halatang antok pa talaga ito. Nagdecide na lang siya bumangon na para maghanda ng breakfast nila pareho.
~~~~~~
JUNE 25, Thursday morning, 8:36 AM
"Wow! You cooked all these?" Manghang tanong ni Rhian. Kakalabas niya lang sa kuwarto.
"Yup! Kanina pa nga kita hinihintay magising e. Tara, kain na tayo?" Umupo na si Glaiza sa dining table. Halatang nagutom na kakahintay. Lol.
"Good morning.. Answerte ko naman talaga sayo, lablab.." She kissed Glaiza on the cheek, and gave her a very long and warm back hug. "Kung ganito ba naman aabutan ko every morning.. ay nako, papakasalan na kita ngayon pa lang, at hinding-hindi na kita papakawalan. Ahihi."