JUNE 18, Thursday evening
"Guys, thank you sa pagbisita sakin dito." Tuwang-tuwa si Glaiza makita ang mga supporters niya sa Runner's Kitchen.
"Ayyiieee. Thank you din lablab. Alam mo naman malakas ka samin e." Sagot ng mga ito.
"Oh pano, mag-ingat kayo pauwi ah."
"Sige lablab.. Babay! Una na po kami." Paalam ng mga supporters niya.
Nagtagal pa siya sa RK pagkatapos ng meeting niya at hinintay mag-close ang store. Hindi niya na namalayan, almost 10PM na pala. Kelangan niya na rin makauwi. Dinampot niya na ang bag niya at nag-decide nang lumabas ng store. Habang palabas siya para magpunta na sa parking lot kung saan naka-park ang sasakyan niya, naalala niya bigla si Rhian. Sabi kasi nito tatawag ulit ito sa kanya. Nagtaka siya kung ano na kayang nangyari dito. Naisip niya na malamang, nandun ito sa Solaire at napipilitan makipag-socialize sa mga tao.
Nang tuluyan na siyang makalabas para tumungo sa sasakyan niya, laking gulat niya dahil biglang may sasakyan na humaharurot na nagpreno sa mismong harapan niya. Buong akala niya e mabubundol siya. Ilang dangkal na lang kasi ang pagitan ng tagiliran ng sasakyan mula sa katawan niya. Napatigil tuloy siya sa paglalakad at napa-atras. Ilang sandali pa bago niya narealize kung kanino ang sasakyan na yun. Unti-unting nagbukas ang side window nito
"Hi."
Bumungad sa kanya ang magandang mukha ng taong kanina pa niya gustong makita.. ☺❤ Ayiee. Napansin niya na wala na itong make-up at naka-shirt at shorts na lang, with her hair down. Mukhang on the go na talaga. Hindi mahuhulaan na galing pa itong awards night.
"Tumakas ka??" Hindi makapaniwalang tanong ni Glaiza. She looked astounded.
"Hop in!" Binuksan ni Rhian ang side door ng sasakyan niya para pasakayin si Glaiza.
"Ha?"
"Sige na. Sakay na." Nakangiting sabi niya kay Glaiza.
"Wait, san tayo pupunta?"
"Mamaya ka na magtanong. Sakay na sabi e. Cmon!"
Wala na nagawa si Glaiza kundi sumakay. Pagkaupong-pagkaupo niya...
"I missed you!!!"
Na-shock si Glaiza nang bigla siyang sinunggaban ni Rhian. She was caught off guard. Namalayan niya na lang na nakayakap na pala ito sa kanya. Though awkward at hindi pa rin siya nakakabawi, ginantihan niya ito ng yakap. Namiss niya rin kasi si Rhian nang sobra. Hindi nga lang siya ganon ka-vocal.
Matapos nilang magyakap, pinaandar na ulit ni Rhian ang sasakyan.
"Buti na lang inabutan pa kita. Kaya nga pinaharurot ko na tong sasakyan nung nakita kong mukhang papauwi ka na e."
"Hmm. Okay, so anong trip mo ngayong gabi? Pano ka nakatakas??"
"Hahaha. You won't believe this."
Hinintay ni Glaiza magpatuloy si Rhian magsalita.
"Nagpretend ako na.. masakit tyan ko.. so pinayagan na nila ako umuwi. Then, hinatid ako ni Jason sa bahay. And from there, nagbihis ako. And I quickly drive over here.."
"Seryoso?! Nagawa mo yun? Alam mo, bilib din ako sayo e noh. Andami mong kalokohan." Amused na sabi ni Glaiza.
"Well, you can't blame me.. Nagagawa ko lang naman lahat ng to kasi.." Rhian suddenly looked at her intently. "Kasi.. gusto kitang makita."