4. The Dare

15.4K 394 37
                                    

JUNE 8, Monday evening

It took a while bago siya makapagreact sa tweet na yun ni Rhian. Para siyang nasa cloud nine o nasa rainbow nag-slide slide sa mga sandaling yun. Kinikilig siya kahit pa sa isip niya, fan service lang ang mga tweets nito. Then a few minutes later, she decided to tweet something na idadaan niya ulit sa kanta since sabi nga nila mas romantic if you sing it in a love song, diba? ☺

'@glaizaredux: Alam niyo yung kanta ni Beyoncé? To the left to the left... Pwede ba natin kantahin @whianwamos at rebels? #TRMDTrials'

Nawindang na naman ang mga nakabasa. Curious siya kung ano ang magiging reaction ni Rhian. Flirt tweets to the highest level na ito. Pero honestly, totoo ang sinabi niya sa last tweet niya na yun. Rhian is irreplaceable in her heart. Hindi niya rin alam kung bakit. Naguguluhan na siya. Iniisip niya na kasi masyado na kasi silang close ngayon kaya siya naa-attach dito. Hindi siya dapat mag-invest ng emotions at time at feelings nang sobra. Pinipilit niya pigilan. Kasi hindi pwede.

Ilang sandali pa, nakatanggap siya bigla ng tawag Kay Rhian. Sinagot niya nang nakasmile ang tawag. Ang isip at ang puso niya, nagtatalo. Iba ang dinidikta ng isip sa tinitibok ng puso niya.

"Ano, abswelto na ba ko, Rhi? Haha." Sagot ni Glaiza.

"Hmm. I'll think about it. Sige, isa pang pakikipagharutan sa SAS, malalagot ka na nang bongga sa mga rebels. Hahaha."

"Sa rebels ba talaga o sayo? Ikaw kasi ang nagpapahirap sakin masyado eh. Umamin ka na nga, nagselos ka talaga noh?" Asar niya dito.

"Hahaha. Wait, masyado na ba kong obvious? OMG, Ikaw kasi eh."

Napalunok bigla si Glaiza. Joke pa ba yun? Sasakyan niya ba?

"Seryoso ka?"

"Hahahaha." Tawa lang ang naging tugon sa kanya ni Rhian.

"Loka ka talaga. Muntik na ko maniwala. Haha." Sinagot na lang niya. Pinipilit ang isip na there's nothing to take seriously. Hindi na sumagot si Rhian. Parang na-awkward ito. Ilang segundo ang lumipas. Wala pa rin nagsasalita, so pinilit ni Glaiza basagin ang katahimikan. Napansin ni Glaiza na hindi na maingay sa kabilang linya.

"Nakauwi ka na ba?"

"Not yet. Nandito pa ko sa Timog. Lumabas lang ako saglit para tawagan ka. Maingay kasi masyado sa loob eh."

"Ah. Ganon ba?"

"We're here in Timog sa The Lounge. Remember, hindi ka pa abswelto."

"So, what are you trying to say??"

"Hmm papatawarin kita unless pupuntahan mo ko ngayon dito. Haha."

"What?!"

"Bye!! Drive safely! Hahaha." Rhian hung up.

Napanganga si Glaiza. Iniisip kung seryoso ba si Rhian sa dare niya na yun.

'What to do?'

~~~~~~

Nakangiting binaba ni Rhian ang tawag. Yung totoo, gusto niya lang makita si Glaiza sa nga sandaling yun kaya yun ang naging hirit niya dito. Di niya alam bakit masyado niya namimiss ito to think, nagkita naman sila kanina umaga. She was secretly hoping na seseryosohin ni Glaiza yung dare niya na yun. Ayaw niya matapos ang gabing yun na hindi sila nagkikita. She tweeted something para malaman ni Glaiza na seryoso siya sa dare.

'@whianwamos: Bibisitahin mo ba kami dito, Korra? @glaizaredux'

After, itweet yun napabulong siya sa sarili.

#RaStroIsReal < Reel to Real >Where stories live. Discover now