Chapter 9

46 1 0
                                    

"Ikaw ah, hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit mo dinala sa lolo at lola mo si Maya." si Co habang tinutulak ko siya palabas ng bahay.

"Bilis na, baka naghihintay na si Maya."

Kasama rin namin sina Shie, Lei at Co.

"Kita mo, pati ngayon inaya mo siya tapos dinamay mo pa kami." napalabas ko na siya ng pinto.

Hindi ko siya sinasagot.

Hanggang sa byahe ay ang daldal niya.

Pagkasundo namin kay Lei ay dumiretso na kami kina Maya dahil pagkatapos ko na lang daw mag enroll namin susunduin si Shiela.

"Bakit sinama mo si Maya?" mataray na tanong ni Lei.

"Bakit sumama ka?" tanong ko pabalik.

"Aba, syempre sinama ako ni Co."

"O edi ganon din ako kay Maya."

"Jowa mo ba? Kasi ako jowa ni Co."

Nakita kong natawa si Co at inirapan ko na lang sila.

Maya's POV

"Wait, mabilis lang 'to." sambit ni Niks.

Pagkatingin ko kina Co ay parang nang aasar na siya at si Lei ay pinaniningkitan ako.

"Sabihin mo nga sa akin, anong meron sa inyo ni Nikka?" si Lei.

"Friends."

"Friends mo. Ano nga?"

"Friends nga lang, Lei."

"Talaga lang ah."

Friends nga lang eh.

"Let's go." dumating na si Niks.

Sumakay na kami sa kotse na dala ni Co.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Sa lugar kung saan malilinawan ka sa lahat." si Co.

"Huh?"

"Shut up at mag drive ka na lang, Co." seryosong sambit ni Niks.

"Ikaw mag shut up diyan." depensa ni Lei.

Lumingon naman sa akin si Niks.

Taka ko itong tiningnan.

"Hindi ka niyan madedepensahan. Hindi ka naman jowa." si Lei.

"Shut up." si Niks kay Lei.

Mga baliw.

Sinundo na namin si Shiela.

Pumunta muna kami sa grocery para bumili. Gusto raw magpicnic ni Niks eh.

"What do you want?" tanong ni Niks.

"Ikaw."

"Huh?"

"Ikaw, anong gusto mo?" buti nabawi ko.

"Ikaw." nagulat ako sa sagot niya.

"Ikaw muna." paglilinaw niya.

Ang hirap maging delulu.

Kinuha niya ang napili ko. "I'll pay na." aniya.

"Nako, ako na." sabi ko.

"Hayaan mo na." si Co.

"Pero."

"Hayaan mo, siya nag aya eh." si Lei.

"Thanks, Niks." si Shie.

Nakakahiya na dahil ilang beses na ako nilibre ni Nikka Lising.

Nakarating na kami sa may park.

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now