Chapter 20

70 3 0
                                    

Maya's POV

Pabalik balik sa condo si Niks pero hindi ko ito kinakausap.

"Please, Maya, talk to me." pakiusap niya.

Umiiyak ako habang nakatakip ang bibig ko sa kamay ko.

Ayaw kong nakikita na nagkakaganito si Niks pero nasasaktan din ako.

Gusto ko na malaman yung totoo.

"Ms. Maya, may nagpapabigay po sa inyo." abot sa akin ni kuya guard.

"Galing kanino po?"

"Hindi po sinabi ang pangalan." tinanggap ko na at hinanap ang note.

"I can't live without you. Please, come back to me, baby." – Nikka

Itinabi ko ang bulaklak na bigay niya.

Pagkababa ko sa parking ay nakita ko siya. "Maya." naawa ako sa itsura ni Niks ngayon at amoy alak siya. "Uminom ka ba?" Umiling siya. "Konti lang."

"Umuwi ka na." hinawakan niya ako. "Mag usap tayo, please." binawi ko ang braso ko. "Wala tayong pag uusapan hanggat hindi ang rason mo ang pag uusapan."

"Hindi si Lei ang rason. Matagal na kaming tapos, at wala na sa amin 'yon."

"Kung hindi si Lei, e ano?" seryosong tanong ko.

Hindi na naman siya nakasagot. "Hindi ko alam kung bakit hirap na hirap kang sabihin sa akin yung totoo." binuksan ko ang pinto ng kotse. "Maya."

"Umuwi ka na. Tapos na tayo." pumasok na ako sa kotse at pinaandar na.

Nagstop ako sa isang gilid at doon inilabas ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Nasasaktan lang ako.

Nakipagkita si Lei sa akin at pumayag naman ako.

"Maya." hindi ako kumibo. "Alam ko galit ka--"

"Hindi ako galit. Nasasaktan ako, Lei."

"I'm sorry, pero maniwala ka. Alam kong hindi ako ang dahilan ni Nikka kung bakit ayaw niya pang mag commit."

"Alam mong hindi ikaw? Kung ganon, ano? Anong dahilan niya kung bakit ayaw niya pa?"

"Hindi ko rin alam. Ilang beses ko na rin siya kinausap tungkol diyan pero ang sinasabi niya lang ay wala akong alam."

Umiwas ako ng tingin dahil nagiging emotional na ako. "Nang ighost ako ni Niks noon, hindi ko rin alam kung bakit niya ginawa 'yon. Nalaman ko na lang yung rason niya nung nagkita kami ulit. "Hindi pa siya handa", yun ang rason niya." paliwanag niya.

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Hindi pa siya handa sa ngayon, pero nararamdaman ko na mahal ka niya. Nakikita namin 'yon, Maya." hinawakan niya ang kamay ko. "Mahal ka ni Niks. Mahal na mahal."

Pagkauwi ko ay bumisita si Gayle.

"Hi, Maya."

"Pinapunta ka ba ni Niks?"

Umiling siya. "Hindi, nandito ako para makausap ka."

Nakaupo kami sa living room habang hawak niya ang juice.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong nasasaktan ka at gustong malaman ang katotohanan." pag uumpisa niya. "Pero may dahilan si Niks kung bakit hindi niya masabi sayo yung totoong rason." napalingon ako sa kanya. "Alam mo?" tumango siya. "Sa akin niya lang sinabi." ito na ba? Malalaman ko na ba? "Sabihin mo sa akin, Gayle. Ano 'yon?"

"Gusto ko man sabihin pero ayaw kong pangunahan si Niks." hinawakan ko ang kamay niya. "Please, nakikiusap ako sayo, Gayle."

"I'm sorry, Maya, mas mabuti na kay Niks manggaling. Gusto ko lang ipaalam sayo na noon pa ay gustong gusto ka na niyang ipagsigawan sa lahat. Mahal na mahal ka ni Nikka. Bigyan mo lang sana siya ng oras pa." umalis na si Gayle at sa nalaman ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now