Chapter 4

65 3 0
                                    

Niks' POV

Nagpapaalam na sina Maya na uuwi na.

Umiiyak si Shiela?

Eh si Gayle?

Pinuntahan na ni Co si Gayle.

Sumunod kami ni Jo pero wala sila rito at nakakalat ang mesa at iba pa.

Nag ikot pa kami at may nakita kaming mga tao na nakapaikot.

Agad namin tiningnan at nakita namin si Co na sinicpr si Gayle.

Agad kami lumapit at sinusubukan kong pakalmahin si Jo.

At salamat lumabas na ang tubig na nainom ni Gayle.

Dumating na ang ambulansya at si Jo ang sumama sa hospital.

Bumalik kami ni Co sa villa para kunin ang mga gamit namin.

Pinipigilan kong maiyak dahil umiiyak na si Co habang nag aayos ng mga gamit.

Nagulat na lang ako nang biglang suntukin ni Co ang pader.

"Co." agad na lapit ko sa kanya.

Tiningnan ko ang kamay niya.

Namula.

Kumuha agad ako ng yelo para ilagay sa kamay niya.

Kinuha ko ang kamay niya. "Why did you do that?"

"Naiinis ako. Natakot ako, Niks." tumingin siya sa akin. "Paano kung hindi agad ako dumating?" mas lalo siya naiiyak.

Pinipilit ko pa rin na huwag bumagsak ang luha ko. "Pero dumating ka. Nailigtas mo si Gayle." pagtatahan ko.

"Hindi ko mapapatawad kung sino man ang dahilan nito kapag may nangyari masama kay Gayle." kinuyom niya ang kamay niya.

Pinagpahinga ko muna siya at ako na ang tumuloy sa pag aayos.

Nasa byahe na kami at tahimik lang hanggang sa nakarating kami sa bahay nina Gayle.

Biglang tumawag si tita Gina.

Nasa airport na raw siya.

Nasurprise kami at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Sinabi ko na maaga kami nakauwi at ako na ang susundo sa kanya.

"Huwag mo muna sasabihin kay tita ang nangyari kay Gayle. Dumiretso na lang kayo sa hospital pagkasundo mo sa kanya sa airport." si Co.

Pinag book ko na lang ng grab si Co at ako ay pumunta na sa airport para sunduin si tita.

Pagkakita namin ay agad niya akong niyakap.

Pinakalma ko ang sarili ko para hindi niya ako mahalata.

"I thought next week pa po kayo makakauwi?"

"Gusto ko kasi isurprise si Gayle." nakangiting sambit ni tita.

Ngumiti ako.

Nasa byahe na kami. "Kumusta bakasyon niyo? Buti napaaga uwi niyo?"

"May kailangan po kasi asikasuhin."

"Ganon ba. Kumusta si Gayle? Nag enjoy ba siya?"

"Po? Ah opo." nginitian ko.

Papunta kami ngayon sa hospital.

"Saan tayo pupunta? Hindi papunta sa bahay 'to."

"Kay Gayle po."

Nasa hospital na kami at nagtatanong ulit si tita.

"Hospital? May nangyari ba kay Gayle, Nikka?"

"I'm sorry, tita."

Agad kami pumunta sa kwarto ni Gayle.

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now