"Pupunta siya?" patago kong kausap si Gayle sa phone.
"Oo, Niks. Narinig ko ang usapan nila ni Shie."
"Gayle, pumunta ka."
"Huh? Bakit? Baka makita lang ako ng lola mo."
"Gusto kong nasa tabi ka ni Maya sa party."
"Bakit? Magpapakilala ka na ba?"
"Yes, kaya sana pumunta ka."
Nakikita ko si Maya na nakatayo sa di kalayuan.
Gustong gusto ko siyang yakapin.
Hinawakan ni Nikki ang kamay ko nang makita akong maiiyak na.
Wala akong magawa.
Sinubukan kong hindi tumingin sa kanya habang nagpapakilala ako, dahil baka di'ko kayanin kapag nakita kong nasasaktan siya.
Huminga na ako ng malalim dahil sasabihin na ni mamita sa lahat ang tungkol sa engagement namin ni Nixon.
Hinawakan ni Nixon ang kamay ko para alalayan ako.
Hindi ko natiis. Napatingin ako sa gawi nila at hawak hawak na ni Gayle si Maya, at sabay na lumabas.
Patawarin mo ako, Amaya.
Agad naman ako pumunta sa likod dahil hindi ko na napigilan.
"Patawarin mo kami, anak, kung wala kaming magawa." si daddy.
"Dad, I saw her." habang emosyonal ako. Niyakap agad ako ni dad. "She's crying. I hurt her, dad."
"I'm sorry, anak."
Pinaakyat na ako sa kwarto ni mamita dahil hindi ako pwedeng humarap sa mga tao na namamaga ang mga mata ko.
Bumalik sa baba sina Nikki, at nagpaiwan naman si Nixon sa kwarto ko.
"Where is she?" tanong ko.
"She left na with Gayle." nang lumakas ang paghikbi ko ay niyakap ako ni Nixon. "I'm really sorry, Niks."
Dahil sa sobrang pag iyak ay nakatulog ako.
Habang naglalakad ako sa may park ay nakita ko si Co na papunta sa may direksyon ko.
Magtatago sana ako pero nagtama ang mga tingin namin.
Agad din niya inalis ang tingin sa akin at nilagpasan lang ako.
Iniiwasan niya ba ako?
Sabagay, ako ang unang umiwas sa kanila.
Pero anong ginagawa niya rito? Bakit siya lang mag isa?
My first day as a Director.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang makasalubong ko si Maya.
Sinubukan kong umiwas pero tinawag niya ako.
Sinubukan ko rin huwag maging malambot at buti ay napigilan ko.
"Hindi kita mahal." ang hirap bitawan ang salitang walang katotohanan.
Mahal kita, Amaya.
Pinapunta muna kaming dalawa ni Nixon sa Canada ni mamita.
Alam kong ginawa niya ito upang mas lalong mapalayo ako sa mga kaibigan ko at lalong lalo na kay Maya.
"Niks, tama na 'yan." pigil sa akin ni Nixon sa pag inom ko.
"I'm not drunk." sabay tungga ko sa baso ng alak.
"No. Inabilin ka ni Nikki sa akin, let's go home na." sabay kuha niya sa basong hawak ko.
Kinuha ko ang bote at iyon ang tinungga ko. "Nikka!" agad niya inagaw sa akin ang bote.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanficHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?