Chapter 15

53 2 0
                                    

Pagkamulat ko sa mga mata ko ay si Co ang bumungad sa akin habang hawak niya ang noo ko. "Sorry, nagising yata kita." aniya.

"Co." tawag ko.

"Uhm? May masakit ba sayo?" umiling ako.

Inalalayan niya akong makaupo. "Iinitin ko lang yung lugaw para makainom ka na ng gamot." tatalikod sana siya pero hinawakan ko agad ang kamay niya. "Co." tiningnan ako nito na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "I'm sorry, Co." ngumiti siya at hinawakan ako sa may balikat. "Patawarin mo rin ako kung nasaktan kita." napangiti ako. "Alam kong nagawa mo lang 'yon dahil sa katigasan ng ulo ko." natawa siyang bahagya. "Alam kong nagselos ka lang."

Binitawan ko ang kamay niya at umiwas nang tingin sa kanya."Ako? Nagselos? Hindi ah." tanggi ko.

"Sige nga kung hindi, anong dahilan mo kung bakit nag init ang ulo mo?"

Napanguso na lang ako dahil wala akong alam na isasagot.

"See? Ewan ko ba sayo kung bakit tinatanggi mo. Bakit hindi ka magpakatotoo sa totoong nararamdaman mo."

"Wait, alam ba ni Maya na nandito ako?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi ko muna ipinaalam sa kanya. At huwag kang mag alala, sinabihan ko na si Ga na huwag muna sabihin kay Maya."

I nodded. "Thank you, Co." sabay ngiti ko.

Si Co ang nasa emergency call ko kaya siya ang tinawagan. Siya na rin nagbayad sa hotel, sa bill dito sa hospital, at bumili ng mga gamot ko. Binabayaran ko siya pero ayaw niyang tanggapin. Magpagaling na lang daw ako at mag sorry kina Maya at Mike. Balak ko naman talaga magsorry sa kanila dahil mali ang ginawa ko.

Bumili rin ng isang crutch si Co para hindi ako mahirapan makalakad. Kailangan pa ipagpahinga ang sugat ko sa talampakan para tuluyan na gumaling.

Nakauwi na kami at sakto naman ang tawag ni Jo. "Kumusta ka?" alala niya at napatingin ako kay Co at nagkibit balikat lang ito. Mukhang nasabi niya kay Jo.

"Okay na." sagot ko.

"Ano ba kasi ang pinaggagawa mo? Kung nagseselos ka, edi umamin ka na kay Maya." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo?" umiling iling pa siya. "Kung ako sayo aamin na ako. Bahala ka baka mauncrush ka ni Maya dahil sa palihim mong pagseselos tapos mang aaway ka, nako." nababaliw na'to. "Ewan ko sayo." sabay irap ko. "Mahirap itago 'yan, Niks. Mahirap magselos nang walang karapatan."

"Kaya pala patago kang nagseselos kay Jomari." balik ko sa kanya. "Oo, inaamin ko. Mahal ko eh."

Pagkatapos namin mag usap ni Jo ay nagpahinga muna ako.

Maya's POV

Pagkagising ko ay agad kong minessage si Niks. "Niks, pwede ba tayong magkita mamaya?"

Hindi siya nagrereply.

Ilang oras ang lumipas pero wala pa rin.

"Nakauwi na si Nikka." messaged ni Lei sa gc.

"Kumusta siya?" tanong ko agad.

"Oo nga, kumusta siya?" si Cess.

"Maayos naman." buti naman.

Gabi na at hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Galit pa rin ba siya?

"Niks, galit ka pa rin ba?" nagmessage ulit ako sa kanya.

Ilang oras ulit ang lumipas pero wala pa rin.

Galit pa rin nga.

Umaga na at maaga akong pumasok para makapagreview.

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now