Chapter 14

57 2 0
                                    

Niks' POV

Nilalamig ang paa ko dahil naka slippers lang ako. Natapunan ng drinks ang shoes ko kaya tinanggal ko muna.

"Tama na 'yan." hinablot ni Cess ang boteng alak na hawak ko.

"Umiinom pa ako." tipsy na ako.

"Lasing ka na. Pahinga ka riyan."

Mas lalo ako naiinis dahil sa hindi kalayuan ay nagtatawanan sina Maya at Mike.

Kinuha ko ang isang bote at ininom agad. "Naknang." narinig ko si Cess. "Alam kong nagseselos ka, pero hinay hinay lang." mahinang sambit niya.

"Shut up."

"Akin na 'yan." nilalayo ko sa kanya yung boteng hawak ko. "Lumayo ka nga." naaasar na ako.

Tumayo siya at akala ko ay tinigilan na niya ako pero pinuntahan niya si Maya.

Bwisit naman oh.

Tumingin silang dalawa sa akin ni Mike at naglakad siya papalapit sa akin.

"Niks."

"Hmm?" inalis ko sa pagkakasuot sa slippers ang mga paa ko at ipinatong na lang ang mga paa ko sa slippers.

"Tama na iyan. Nakarami ka na."

Hinayaan kong kunin niya ang bote sa kamay ko.

"Kailangan si Maya pa ang sumaway sa kanya." si Cess.

"Niks, uminom ka muna ng tubig." abot ni Mike.

"Ayaw ko."

Kinuha niya ang kamay ko para ilagay roon ang basong may tubig na hawak niya. "Mapapabuti sayo--" tinabig ko yung baso at nabitawan ni Mike kaya nahulog sa sahig at nabasag.

"Ahh." narinig kong dumaing si Maya kaya napatingin ako sa may paa niya.

Nasugatan siya.

"Maya." agad naman umupo si Mike para tingnan ang sugat ni Maya sa paa.

Napatayo ako at naitulak ko si Mike para tingnan ang sugat ni Maya sa paa.

"Hala, Mike, dumudugo ang kamay mo." si Shie kaya napalingon ako kay Mike na dinudugo na ang palad niya dahil nasubsob siya sa mga bubog na nakakalat sa sahig.

Tiningnan ako ni Maya at ang mga tingin na 'yon ay ayaw ko. Nadisappoint siya sa akin. Agad siyang lumapit sa kanya at idinala nila si Mike sa loob.

"Niks." napalingon ako kay Co na akala ko pati siya ay iniwan ako.

Bigla siya nagsquat sa may harapan ko at tiningnan ang talampakan ko. "May sugat ka." aniya at doon ko lang napagtanton na nakatapak pala ako ng bubog at dinudugo ang talampakan ko. Dahil siguro sa kalasingan ay hindi ko na naramdaman yung hapdi.

Inalalayan niya akong umupo sa upuan at tinanggal niya ang bubog na nasa talampakan ko. Agad agad naman niya pinunit ang tela na nasa mesa para itali sa paa ko at para tumigil sa pagdugo. Kinuha niya ang isang tsinelas para isuot sa isa kong paa.

"Pumasok muna tayo." aniya pero umiling ako. "Lilinisin muna natin ang sugat mo baka mapano 'yan." alala niya.

"Sa bahay na lang." tumayo ako at agad naman niya ako inalalayan.

"Ga." bumalik si Lei at ibinaba niya ang tingin niya sa paa ko.

"Anong nangyari?" alala niya.

"Natapakan niya yung bubog." sagot ni Co habang pasan niya ang braso ko.

"Tara, linisin muna natin." si Lei. "I'm okay. Uuwi na ako." sambit ko.

Maya's POV

Inaya ako saglit ni Mike para makipagkwentuhan sa mama niya.

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now