Naghihintay kami sa update nina Gayle. Ilang araw na ay hindi pa rin sila nagpaparamdam.
Bakit kaya?
"Pinapauwi na ako ni papa." malungkot na sambit ni Jo.
"Ayaw mo 'yon? Mas mapapalapit ka sa campus." si Co.
"Ayaw ko. Nakakaboring lang don."
"Hindi mo ba namiss sina tita?" tanong ko.
"Miss? Araw araw nga sila wala sa bahay."
"Pero miss mo."
Ngumuso lang siya.
Nagkatinginan kami ni Co at ngumiti.
Sinundo na ni kuya Jan sj Jo.
"Tayong dalawa na lang dito." si Co.
After ko mag enroll ay pinapunta ako sa mansion.
"Bakit hindi ka nakikinig sa amin ah?" sermon ni mommy.
"Kung sesermonan niyo lang ako, aalis na ako." sabi ko.
"Bakit ba pinapahirap mo yung sitwasyon, Anak?"
Umalis na lang ako sa mansion dahil ayaw kong mag away ulit kami ni mommy.
"Oh? Anong nangyari sayo?" si Co kauwi ko sa bahay.
"I'm just tired." pumasok ako sa kwarto at humiga.
First day of class.
Maagang pumasok yung prof namin kaya itinago ko na yung phone ko.
Wala pa masyadong ginagawa dahil kauumpisa pa lang.
Malapit na mag lunch time at nakita ko na sina Jo.
Pagkalabas ko ay nasurprise ako nang makita si Maya na kasama nila.
Dito rin pala siya nag aaral.
"Maya." nakangiti kong banggit.
"Hi." nakangiting bati niya.
"Dito ka rin pala nag aaral."
"Yeah, classmate kami." turo niya kay Co.
"Ah Accountancy." tibay nila ah.
"Uhm. HRM?"
"Yup." sagot ko.
"Ohh nice."
Sabay kaming naglalakad sa harapan nina Jo at Co ni Maya.
Ewan kung anong pinagbubulungan ng dalawa.
"Kumusta kamay mo?" biglang tanong ni Maya.
Pinatingin ko ang kamay ko. "Okay na." nakangiti kong sabi.
Nakarating na kami sa Garden.
Nginitian ko si Lei pero umiwas tingin lang ito.
Nagbabangayan na naman sina Jo at Cess at magkaklase pala sila.
Lumabas na kami para mag lunch.
Kumusta na kaya sina Gayle?
Ganito pala pakiramdam pag naghost.
Bumalik na kami sa campus nina Maya.
Isang subject lang naman ngayon hapon.
Gusto ko na matulog.
Gabi raw makakauwi si Co dahil may aasikasuhin siya.
Pinagluto ko siya at nanood muna ng movie.
Tuwing Monday lang yata kami nagkakasabay pag lunch.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanficHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?