Sinundo ni Co sina Lei at Shie, at habang ako ay inaasikaso ko si Niks.
"Sorry, Maya." sabay hawak niya sa kamay ko.
"Para saan?"
"Kung mapaghihintay kita."
Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa isa kong kamay. "Makapaghihintay naman ako, at hindi naman ako nagmamadali." nakangiti kong sabi.
Ngumiti siya. "Thank you."
Tumango ako. "Gusto mo na bang maligo?" tanong ko.
"Hihintayin ko na lang si Co." at inalis na niya ang paghawak sa kamay ko.
"Ako na." nagvolunteer ako.
"Huh?" nagulat siya at napaisip din ako sa sinabi ko. "Huh? Ah tutulungan kita makapasok ba."
Pumayag din naman siya.
Kinuha ko ang crutch niya para makatayo siya. Inalalayan ko siya sa kabila para maayos na makapaglakad.
"Anong gagawin niyo riyan?" si Cess na gulat nang makita kaming papasok sa banyo. "Maliligo si Niks." sagot ko. "Ano?" agad siyang lumapit sa amin. "Your dirty mind, Ms. Princess." si Niks sa kanya. "Okay na ako rito." aniya. "Kukuha lang ako ng upuan para maipatong mo ang isa mong paa." sabi ko. "Ako na." kumuha naman agad si Cess at ipinasok sa banyo.
Pinasuyo ko kay Cess yung bathrobe at towel ni Niks sa kwarto. Sinubukan ko muna iopen yung shower para malaman kung hindi ba mababasa ang nakabendang paa ni Niks.
"Anong problema?" tanong ni Niks kaya napalingon ako sa kanya. "Ah ang higpit, ayaw mabuksan." habang sinusubukan ko pa rin ito. "Let me." aniya pero nagulat ako nang bigla ko ito mabuksan na.
Nabasa ako huhu.
"Oh? Anyare?" si Cess nang makabalik.
Nagpout ako sa kanya. "May dala ka bang extra?" tanong ni Niks na ikinalingon ko. "Wala eh." tumingin siya kay Cess. "Oo, kukuha na." nagets naman ni Cess ang tingin ni Niks sa kanya.
"Gusto mo ba maligo na?" biglang tanong niya. "Huh?" napahawak ako sa dibdib ko. Napabuntong hininga siya. "Amaya Supan, hindi kita isasabay maligo kaya huwag kang mag isip isip ng mga kung ano ano." napabitaw ako sa paghawak. "Hindi, magpapalit na lang ako sa kwarto mo." agad akong lumabas ng banyo at isinarado ang pinto ng banyo. Ang lakas ng tibok ng puso ko. "Nagmumuni muni ka riyan?" si Cess at hawak na ang t-shirt ni Niks at towel.
Kinuha ko agad sa kanya at pumasok sa kwarto para magpalit.
Habang pinupunasan ko ang buhok ko ay may nakaagaw ng pansin ko.
Lumapit ako cabinet niya at may isang album.
Binilisan kong magpalit at kinuha ang album.
Umupo ako sa kama niya at binuksan ko ito.
Napangiti ako dahil mga picture niya 'yon nang makareceive siya ng mga award. Habang nililipat ko ay nandoon rin ang mga class picture nila.
Kinder siya. Agad ko siya hinanap at mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang isang napakacute na bata.
Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ito.
Nakita ko rin yung class pictures nilang apat nung elementary. Ang cute nila rito.
Kinuhanan ko rin 'yon at paglipat ko ay sa high school na sila.
Hindi talaga sila mapaghihiwalay.
Lilipat ko na sana pero may kumatok. "Maya, tapos ka na ba?" si Cess.
Agad ko ibinalik yung album at binuksan ang pinto. "Yeah." sabay ngiti ko. "Bakit ang tagal mo?" tanong niya. "Pinatuyo ko lang saglit yung sa loob ko." dahilan ko.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?