Niks' POV
"Sunduin kita?" nagmessage si Co.
"Huwag na. Hindi ako uuwi."
"Diyan ka matutulog?"
"No, uuwi ako sa mansion."
"Bakit? Pinapauwi ka?"
"Nah. Kita na lang tayo bukas."
Tumayo na ako at muling tinitigan si Maya na mahimbing na natutulog.
"Good night, pretty." at hinalikan ko siya sa noo.
Nagpaalam na ako kay tita at umuwi na sa mansion.
"Nikka, anak." si daddy.
"Dad." niyakap ko siya.
"May problema ba?"
"Wala po." at kumalas na ako sa yakap.
"Bakit umuwi ka? Pinauwi ka ng mommy mo?"
"No."
"May nangyari ba?"
"Nothing. Gusto ko lang po sana kunin si Nia."
"Bakit? Napagod ka na ba magcommute?"
"Yeah, masyado pong magastos."
"Wow, ngayon mo lang narealize?" parang matatawa pa si dad.
Nagkibit balikat lang ako at umakyat na sa kwarto ko.
Pinagmasdan ko ang kwarto ko. Namiss ko 'to.
Kinabukasan ay pagbaba ko ay nakita ko si mom.
"Good morning. What a miracle?"
"Kukunin ko lang si Nia."
"Really?"
"Yes."
"Ang tanda ko nang huling ginamit mo ang kotse mo ay nung high school ka. What happened?"
"Nothing. Namiss ko lang si Nia."
"You sure?"
"Mukha ba akong nagbibiro, mom?"
"Naninigurado lang."
Lalabas na sana ako nang bigla niya akong ayain mag breakfast. "Magbreakfast ka muna bago umalis."
"I'm full."
"Wala ka naman kinain, kaya sumabay ka na."
Sumabay na ako dahil maaga pa naman.
Minessage ko muna si Maya para alam niya na ihahatid ko siya.
"How's school?" si mom
"Good."
"Your grades?"
"Passed."
"Award?"
"I can't count on my fingers."
"Wow! Congrats."
"Thanks."
Sumulyap ako kay dad at tuwang tuwa siya.
"Ibigay mo sa akin para mailagay ko na sa frame."
"Mom."
"What? Oh c'mon, Nikka, sa kwarto muna namin ni daddy mo ilalagay. Proud lang kami sayo kaya gusto namin makita."
"Okay. I have to go. Thanks for the breakfast." bumeso na ako at lumabas na para kunin si Nia.
Mukhang bago pa rin dahil hindi ko ito masyadong nagamit noon.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?