Chapter 10

57 2 0
                                    

"Ngiting ngiti ah." si Cess.

"Huh?"

"Si Nikka no?"

Tumango ako.

"Go, kwento ka."

Inaya kong lumabas si Cess dahil namiss ko siya.

Pinakita ko ang convo namin ni Niks.

"Weh?" pati siya ay nagulat sa sinabi ni Niks.

"Diba?"

"Hala ka beh, bet ka na rin ni Nikka."

"Tingin mo?"

"Oo, at sabi ni Shie ay nagselos daw si Niks sa kanya."

Ngumiti ako at tumango.

"Nako, unahan kayo."

"Unahan?"

"Paunahan umamin."

Gusto kong umamin pero natatakot din na baka maling akala lang ako.

Ayaw kong mawala yung meron kami ni Niks ngayon.

Habang nanonood kami ng sine ni Cess ay nagmessage si Niks.

"Labas tayo?"

Napangiti ako.

Sinulyapan ko si Cess na focus sa pinapanood.

"Sorry, Niks. Nasa labas kami ni Cess ngayon."

"Oh ganon ba. Sige, next time na lang."

Natapos yung pinapanood namin na hindi naalis sa mukha ko yung ngiti ko.

"Ngiting ngiti ka ah. Nakakatakot kaya yung pinanood natin." si Cess.

"Nagmessage si Niks."

"Anong sabi?"

"Labas daw kami."

"Edi go mo na."

Umiling ako. "Sinabi ko next time na lang dahil ikaw ang date ko today."

Ngumiti siya. "Naks, kikiligin na ba ako?"

"Lol."

Pasukan na naman.

Pangit ng schedule namin.

Morning ako, afternoon si Niks.

Hindi ko ba siya makikita ngayong sem?

Vacant na namin at nagulat ako na nasa tapat ng pinto si Niks.

Anong ginagawa niya rito?

"Surprise." si Co sa akin at lumabas na.

Akala ko si Co ang hinihintay niya pero hinihintay rin pala nila ako.

"Maya, tara." si Co.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas.

"Ang aga mo?" tanong ko kay Niks.

"Boring mag isa sa bahay."

"O baka miss mo na." si Co.

"Shut up." si Niks kay Co.

Patago akong ngumiti.

Dumaan saglit si Lei sa canteen para yakapin lang si Co.

The lovers.

Hinatid muna siya ni Co sa building nila.

"Sina Cess?" tanong ni Niks.

"Afternoon din si Cess at si Shie maya maya pa ang labas niya."

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now