Mag uumaga na at nagising ako dahil tumatawag si Jo.
"Hello?" habang inaantok pa ako.
"Niks." narinig kong umiiyak si Jo kaya napaupo ako. "Are you crying?" alalang tanong ko. "Si mama." hikbi niya. "What happened?" kinakabahan na ako. "Iniwan na ako ni mama. Iniwan niya na ako, Niks." saka lumakas ang iyak niya. "Jo." gustong gusto ko siyang puntahan. "Si mama, Niks." naiiyak na rin ako.
Lumabas ako saglit para magpahangin pero naiyak lang ako.
Ayaw ko munang gisingin si Co dahil pagod siya kahapon.
Bakit kung kailan okay na sila ni tita ay saka naman nawala si tita Angelyn?
Nakatulala lang ako habang nakaupo sa may dining area. "Niks." si Co pero hindi ko siya pinansin. "Niks." hinawakan niya ako sa may baba at iniangat ang ulo ko paharap sa kanya. "Anong nangyari sayo? Umiyak ka ba?" alala niya. "Tita Angelyn is gone." malungkot na balita ko.
"Wala na si tita?" gulat niya. "Tumawag si Jo kanina." at binitawan niya ang pagkahawak sa baba ko at niyakap niya ako.
Nakauwi na sina Jo at dumiretso na kami sa Funeral.
"Condolence po, tito." kami ni Co.
"Salamat."
Napalingon kami kay Jo na nakaupo at nilapitan namin siya. "Jo." at niyakap ko siya.
"Condolence, Jo." sina Maya.
Dumating si tita Pia pero si Cess ay hindi.
Mas kailangan siya ni Jo ngayon pero wala kami magagawa.
Tumulong kami rito para asikasuhin yung mga bisita at damayan si Jo.
Alam namin na umaasa siya na darating si Cess.
"Hindi ba darating si Cess?" tanong ko kay Maya.
"Hindi raw eh. Pinipilit na rin namin pero ayaw niya talaga." aniya.
Inaaya namin si Jo na magpahinga muna dahil sa byahe pero ayaw niya.
Kinabukasan ay nag message si dad na dadalaw siya.
"Condolence, pare." siya kay tito Jonas.
Iniwan ko muna silang dalawa ni tito.
"Otw na kami ni Lei." nag message si Co.
Hala!
"Co, huwag muna kayo pupunta rito."
"Bakit?"
"Basta. Mamaya na lang kayo pumunta ni Lei."
"Pero paalis na kami eh."
"Basta mamaya na." pilit ko.
Nagpaalam na si dad na aalis na.
"Punta na kayo." minessage ko si Co.
Ang dami niyang tanong nang nakarating na sila.
"Nabibingi ako sayo, Nicole." irita ko.
"Naglilihim ka eh."
Last day ay dumating ang mga kaklase nina Cess na naging kaklase rin ni Jo.
"Condolences, Jo." sina Jomari.
"Condolence, Jo." si Irene.
Tumango lang si Jo.
Ang daming tao kaya pati sina Jomari ay tumulong na.
May bulaklak pa na ipinasok at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko kung kanino galing.
Sa N.I Group.
Para akong mamamatay sa gulat nang iluwal ng pinto si mommy.
She's here.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?