Maya's POV
Nandito kami ngayon sa bahay nina Gayle.
Tiningnan ko ang mga litrato nila na nakadisplay sa sala.
Simula pagkabata ay magkakasama na pala sila.
Cute ng friendship nila.
Napansin ko si Shie na nakatitig sa picture ni Gayle.
Nilapitan ko siya.
Agad niya pinunasan ang luhang nakapahid sa pisngi niya.
Hinagod ko ang likuran niya.
Nasa sala lahat maliban kay Nikka.
Lumabas ako para tingnan siya.
Nakatambay siya sa harap ng bahay.
Nilapitan ko siya. "Bakit nandito ka sa labas?"
"Pahangin lang."
Tumango tango ako.
"Matagal na kayo sa bahay nina Gayle?"
"Uhm. High School kami ay riyan na kami tumuloy."
"Talaga? Pinayagan kayo ng mga magulang niyo?"
Nakita kong napangisi siya. "Uhm."
"Kung ganon ipinagkakatiwala pala kayo sa mama ni Gayle."
"Uhm. Eh kayo ba?"
"Kami? Sa kanya kanyang bahay kami tumutuloy. Ayaw namin mahiwalay sa family namin."
Tumango siya.
"Hindi mo ba namimiss ang family mo kapag nandito ka?" lumingon siya sa akin." Namimiss, pero mas payapa kapag nandito ako." aniya.
"Anong ibig mong sabihin? Magulo ba sa bahay ninyo?"
Nagkibit balikat lang siya.
Nacurious tuloy ako.
"Merry Christmas, Niks." minessage ko si Nikka.
"Merry Christmas, Maya."
"Kita tayo bukas, may ibibigay lang ako."
"Sorry, wala kasi ako sa Pinas ngayon."
"Huh? Nasaan ka?"
"Sa Canada." wow.
"Wow, sana all sa Canada." pagbibiro ko.
"Gusto mo ba pumunta?" seryoso ba siya?
"Nagbibiro lang ako HAHA."
"Ganon. Ipapasundo na sana kita."
"Seryoso ka?"
"Just Kidding."
"Muntik na akong maniwala ah. Akala ko may sarili kayong airplane."
"Hahaha. Pasabi pala sa family mo na Merry Christmas."
"Thank you. Sa family mo rin. Merry Christmas."
Kumain na kami at nagbukas na ng mga regalo.
"Merry Christmas, mga beh." bati ko sa tatlo.
"Merry Christmas. Sa amin dalawa ni Co 'yan." si Lei.
"Merry Christmas, mga teh." si Shie.
"Masayang Merry Christmas." si Cess.
"Wow, happy yarn." si Lei
"Syempre, kasama ko ang bebelabs ko."
"Sana all." si Shie.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?