Chapter 3

81 2 0
                                    

After namin magdinner ay nagpacircle kami sa sahig.

Ang daming nilapag na alcohol ni Lei.

"Grabe, may pinagdadaanan ba kayo?" nagulat din si Co.

Katabi ko sina Jo at Shiela.

"Kay Lei pa lang kulang pa mga 'yan." si Maya.

"Do you drink that much?" tanong ko dahil hindi naman umiinom si Lei noon.

"Oo naman." sagot niya.

"Naging lasenggera simula nung naghost siya." sabi ni Shie.

So alam din pala nila?

Pero bakit hindi niya sinabi na ako 'yon?

"Uyy gaga, baka akala nila pang ghost lang ako." sabay tawa ni Lei.

"Akala ko ikaw yung nang g-ghost." si Co.

"Talaga? Bakit? dahil ba maganda ako?"

"Mukhang nangt-trip ka lang kasi." pagbibiro ni Co.

"Bwiset!" si Lei.

"Uyy pero seryoso 'yan ah. Gang ngayon nga walang jowa." si Cess.

Ano ba talaga, Lei?

"Bakit ako yung topic ah? Uminom na nga lang tayo." aniya.

Dahil ba sa akin kaya siya nagkaganito?

Nag-guilty tuloy ako.

Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo nina Jo at Cess sa isa't isa.

May palaro si Cess na Truth or Dare.

Si Lei na at nabunot niya si Jo.

Napangiti ako nang sumayaw ito sa harapan ni Jo.

Masaya ako na makita siyang masaya ulit.

Nang sina Jo at Co na ay nakita kong kinakabahan si Jo.

Wala ako magawa dahil kung hindi niya gagawin ay iinumin niya ang walong shots.

Huwag ka na lang magpahalata nako.

Na kay Lei lang ang tingin ko pagkatapos.

Inaasar niya si Co.

Naging sunod sunod ang pag inom ko ng alcohol.

Medyo tipsy na.

Pumunta na sa villa namin sina Shie at Gayle.

Well, I hope magkaaminan na ang dalawa.

Ako naman ang bubunot.

Si Lei.

"Minsan ka na bang nagmahal?" hindi ko inexpect na ito ang itatanong niya.

"No."

Pagkasagot ko ay umiwas siya ng tingin.

I'm sorry.

Tinuloy tuloy na hanggang sa sina Jo at Lei ulit.

"May nagugustuhan ka na ba?" tanong ni Lei.

Bakit ganyan mga tinatanong niya?

Nakita kong sumulyap si Jo kay Co bago ito sumagot.

"Sino 'yan? Wala ka man nababanggit sa amin." pagpapanggap ko.

At ayun na nga nagbangayan na naman sina Cess at Jo.

Sina Maya at Jo na at ang gagawin lang naman nila ay sasayaw.

Mukhang lasing na si Jo.

Baka magkalat siya rito.

Tumayo ako at inalalayan na lang sila sa pagsayaw kahit nahihilo na rin ako.

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now