"Talaga?" tuwa ko nang marinig na gustong sumali ni Josh sa Bar na itatayo ko.
"Oo naman. Laki rin naman ang itinulong mo sa akin noon at gift ko na 'yan sa graduation mo. Congrats, Niks!." sabay ngiti niya.
"Thank you, Josh!"
Matutupad na ang pangarap kong makapagpatayo ng bar.
"Congratulations, Amaya!" masayang bati ko sa kanya sabay abot sa flowers.
Tinanggap naman niya. "Congrats din, Nikka!" ganon din siya, binigyan ako ng flowers.
Nagplan kami na bukas na lang magcelebrate dahil sa kanya kanyang bahay kami magc-celebrate.
"Congrats, Niks!" masayang bati sa akin ni Nikki na umuwi rito sa Pinas para sa graduation ko.
"Congrats, Nikka!" ganon din si Nixon.
"Congrats, anak!" si mommy sabay yakap niya sa akin at ganon din si daddy.
"Thank you."
Bumaba na si mamita kaya kumalas na sa yakap sina mom at dad.
"Congrats, apo!" sabay yakap niya sa akin. "Thank you, mamita."
Habang kumakain kami ay biglang siningit ni mamita ang magiging future ko. "Anong plan mo ngayon na tapos ka na?"
"As I said before, yung Bar at Restaurant pa rin po, mamita."
"Talagang itutuloy mo pa rin pala 'yan."
"Yes po."
"Bakit hindi ka na lang sa company natin? Para makatulong ka naman."
"Nandyan naman po si mommy and wala po ako balak pumasok sa company niyo."
"Hindi ko alam kung kanino ka nagmana. Hindi mo gayahin ang kapatid mo? Hindi yung puro sarili mo lang ang iniisip mo."
Hinawakan agad ni Nikki ang kamay ko dahil alam niyang magsasalita ako.
"Excuse me. I have to go." sabay alis ko sa mansion.
Siya na lang parati ang nasusunod.
Nagmessage si Nikki.
"Where are you?"
"Home."
"We'll go there, okay?"
"Why?"
"To continue your celebration."
"No need na. Magpapahinga na lang ako."
"C'mon. On our way na."
Wala na akong nagawa at sumama na ako sa kanilang dalawa ni Nixon.
"Alam kong hindi ka masyadong nakakain kanina, kaya kakain muna tayo." si Nixon.
"You know naman mamita. Pagpasensyahan mo na lang siya." si Nikki.
Lagi naman.
"Ikaw ah, 'yun pala si Amaya." pang aasar bigla ni Nikki.
"She's pretty ah." puri ni Nixon.
"Type mo?" si Nikki sa kanya.
"Hindi ah. Bagay nga sila ni Niks."
Ibinaling ni Nikki ang tingin sa akin. "Ikaw ba ay nag iingat?"
"Of course. Hindi ko hahayaan na mapahamak si Amaya."
"What if one day ay malaman nina mom? Especially, mamita."
"Ipaglalaban ko siya."
"Can you?"
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?