Chapter 11

61 2 0
                                    

Tumambay kami saglit at kwentuhan tungkol kay Maya.

Unti unti ko na siyang nakikilala.

Nagvibrate ang phone ko.

Si Maya.

Gusto ko siyang reply-an pero gusto kong iwasan 'tong nararamdaman ko.

"Bakit ngayon ka lang?" si Co.

"Napahaba yung kwentuhan namin ni Cess."

"Ano ba pinag usapan niyo?"

"Secret."

Lumapit siya sa akin." Ano nga?"

"Wala. Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina."

"Nagsorry na nga ako, sinundo ko na nga sina Maya." sabay nguso niya.

"Ewan." sabay pasok ko sa kwarto para magpalit.

"Nikka." kumatok pa siya.

"Wala, hindi ko sasabihin."

"Sige, hindi ko sasabihin yung sinabi ni Maya kanina."

"Wala." niloloko lang ako.

"Yung tungkol kay Mike." aniya pa.

Sinabi? Anong sinabi?

Binuksan ko agad ang pinto. "Ano?"

"Oh? Akala ko ba wala?"

"Anong sinabi niya?"

"Wala."

"Anong wala? Paano mo nakilala si Mike?"

"Wala." bumabawi siya.

"Nicole!"

"Wala nga." sabay pasok niya sa kwarto niya.

"Nicole, open the door." sabay katok ko.

"Wala. Wala. Wala."

"Okay, sasabihin ko na about sa pinag usapan namin ni Cess."

"Wala." kulit.

"About sayo." sambit ko.

Binuksan niya agad ang pinto. "Sa akin?"

"Uhm."

"Ano 'yon?"

"Sabihin mo muna yung kay Mike."

"Ayaw ko. Ano muna yung akin?"

Napabuntong hininga ako. "Na hayaan kang magpaliwanag ni Cess."

"Anong sabi?"

"Susubukan niya raw."

"Talaga?"

"Oo, kaya sabihin mo na yung tungkol kay Mike."

"Ah yung kay Mike? Naikwento lang nila yung nangyari sa dinner niyo."

"Alin?"

"Yung may gusto si Mike kay Maya."

"Psh!"

"Selos ka no?"

"Me? Never."

"Ohh I see. Hindi ko na pala kailangan sabihin yung sinabi ni Maya tungkol sa feelings ni Mike."

"What? Ano 'yon?"

"Bakit interesado ka?"

"Stop teasing me, Nicole!" naiinis na ako.

Tumawa pa siya. "Selos ka?"

"No."

"Oh edi--"

"Oo na. Just tell me, anong sinabi ni Maya?"

Hidden Love (Walo Series #3)Where stories live. Discover now