Okay na ang paa ko kaya makakapasok na ako.
Pinahiram naman ako ng notes ng seatmate ko at bawi na lang daw ako sa next quiz namin sabi ni prof.
"Wo Xiangnian Ni." bulong ko kay Maya.
"Huh?" nagkibit balikat ako.
"Ano 'yon? Baka minumura mo na ako."
Natawa naman ako sa kanya. "Kain na tayo."
"Mauubos mo lahat na 'yan?" nagulat ako sa rami ng mga inorder ni Mike.
"Tayong dalawa ang mag uubos neto no." seriously?
"I'll take it out na lang. Need ko na umalis."
"Teka lang, iiwan mo akong mag isa rito?"
"Natreat na kita. Ano pang kailangan mo?"
"Masyado ka naman atat. Dito ka muna."
"May gusto ka ba sa akin?" biro ko para paalisin na niya ako.
Natawa pa siya. "Maganda ka." napataas ang kilay ko.
May gusto nga siya?
"Pero hindi kita type." nakahinga rin ako.
"May sasabihin lang ako." aniya pa.
"Sabihin mo na."
"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sayo ni Maya."
"What?" alam na niya?
"Lagi mainit ulo mo. Hindi ko alam na ganyan pala ang tipo ni Maya."
"Alam mo?"
Natawa pa siya bago magsalita. "Ikaw, alam mo na?"
"What do you mean?" hindi ko magets.
"Na may feelings din sayo si Maya."
"Sinabi niya sayo?"
Umiling siya. "Napansin ko lang. Ako yung kausap niya nung birthday ko pero ikaw ang hanap ng mga mata niya."
Bakit hindi ko napansin 'yon?
"Swerte mo, si Maya na 'yan." sobra.
Habang nasa byahe ako ay tumatak sa isipan ko ang huling sinabi ni Mike.
Kapag sinaktan mo siya, ipaglalaban ko na siya.
Ojt na namin kaya gabi na lang kami nagkikita ni Maya.
"How's your day?" I asked.
"Tambak pero tinulungan din naman nila ako.." nakangiti niyang sambit.
"Tapos, natuloy na yung pawelcome dinner ni CEO Suarez sa mga Trainee. Tuwang tuwa nga kami nina Cess at Jomari." natuwa naman ako pero hindi pa rin maaalis ang kaba sa akin.
"Pero alam mo ba natanong niya sa amin si Co."
"Bakit daw?" anong balak niyo mom?
"Ewan, hindi na namin tinanong eh."
Hinatid ko na lang si Maya dahil busog na siya at pagod.
"Kumusta?" bungad ni Co sa akin.
Hindi ko namalayan na natagalan ang pagtitig ko sa kanya dahil sa sinabi ni Maya. "Oh bakit?" siya.
"Wala." sabay pasok ko sa kwarto.
Sa hotel kami ipinasok at may event na naganap kaya sobrang pagod ko ngayon.
Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Maaga akong nagising at minessage si Maya.

YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?