Lunch time at nakita namin sina Cess at Jo na nasa malapit sa gate.
Tinuro niya kami, at mukhang may kasama sila.
Nagulat kami na nag aya siya na kumain sa mall.
Nag away na naman silang dalawa?
Naalala ko, babawi nga pala ako kay Nikka.
Tumabi ako kay Niks.
"Libre kita ngayon." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Huh? Why?" takang tanong niya.
Nakalimutan ba niya?
"Diba babawi ako sayo."
"Ah. Seryoso ka pala?"
Seryoso naman talaga ako sayo.
"Uhm." sabay ngiti ko.
Ang iingay ng mga kasama namin habang kumakain.
Bumili kami ng arnis para kina Jo at Cess.
Kailangan na raw bumalik nina Shie at Niks sa campus dahil may pasok pa sila.
Nagtambay kami saglit.
"Kita ko kayo ah." si Jo.
"Nino?"
"Si Niks. Nilibre mo no."
"Pangbawi lang."
"Saan? Ah nung dinner date niyo ba?"
"Hindi naman date 'yon."
"Ganon na rin 'yon."
"Pero Maya, crush lang ba talaga ang tingin mo kay Niks?"
"Oo nga. Single naman si Niks, crush lang ba talaga?" si Co.
Dinaan ko sa pagtawa dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
"Nako, kung ako sayo ay huwag na paligoy ligoy pa. Nagiging close na kayo ni Niks oh. Hindi naman 'yan nakikipag dinner sa iba na dalawa lang sila, maliban sa aming tatlo syempre."
"Yeah. Akala ko nga nung iniwan ko kayong dalawa ay uuwi na kayo pero ang sabi niya kumain muna kayong dalawa." si Co.
"Oh see?" si Jo.
Ayaw kong mag assume pero mga kaibigan na niya ang nagsasabi.
Ginagawa ko na ang assignment namin at biglang nagmessage si Shie sa gc.
"May nakita ako."
"Malamang may mata ka." si Cess.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Dm na lang kita Maya, walang kwentang kausap yung isa riyan." si Shie.
"Nagbibiro lang naman. Ano ba yung nakita mo?" si Cess.
"Ako, hindi mo ako isasali?" si Lei.
"Baka matuwa ka pa." nagreply siya kay Lei.
"So kami hindi?" si Cess.
"Oo, lalong lalo na si Maya." aniya.
Napaisip ako.
"Nakita ko si Niks, may sumundo sa kanya."
"Anong ikakatuwa ko ron?" si Lei.
"Oo nga. Anong ikakalungkot namin ni Maya ron?"
"Mga beh, isang batang lalake na kepogi pogi tapos alam niyo ba kung anong ginawa niya kay Nikka?"
"Baka kapatid niya." si Cess.
"Hindi. Nabanggit nina Co na walang kapatid na lalaki si Niks, diba?"
"Baka pinsan."
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
Fiksi PenggemarHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?