Niks' POV
Nang makita ko ang story ni Maya ay agad agad akong umuwi sa condo.
Nadatnan ko siya na nanghihiwa ng mga ingredients.
"Maya." seryosong tawag ko at tiningnan ako nito na para bang nagtatanong. "Ano 'to?" pakita ko sa story niya. "Story." hindi ko alam kung namimilosopo siya o ano. "Alam ko. Ang tanong ko, bakit kayo magkasama ni Mike?" Ibinalik niya ang tingin niya sa ginagawa niya. "Nagkasalubong lang kami."
"Nagkasalubong? At sa kanya ka na nagpasama sa pagbili ng shoes ni Amari?" hindi ko mapigilan di mainis. "Uhm." mas lalo ako naiinis sa mga isinasagot niya. "Ano? Nag enjoy ka ba? Namiss mo ba kaya nag date kayo?" nakita kong huminto siya sa ginagawa niya. "Hindi date 'yon. Nagkamustahan lang kami." sambit niya habang hindi nakatingin sa akin.
Bakit parang kinabahan ako? Hindi ganito si Maya na masyadong kalmadong kung sumagot kapag alam niyang nagseselos ako.
"Nanlalamig ka na? Bakit? dahil ba bumalik na siya?!" tumaas nang bahagya ang boses ko.
Hindi siya sumagot. "Bakit? Dahil ba kaya ka niyang panindigan? Kaya ko rin naman ah, bigyan mo lang ako ng time, yun lang naman." mas lalo umiinit ang ulo ko sa hindi niya pagsagot at paglingon sa akin. "Pagod ka na? Ayaw mo na? Iiwan mo na ako?" bigla ko narinig ang paghikbi niya. Hinawakan ko agad siya at iniangat ang ulo niya. "Maya." umiiyak nga siya.
"May pamilya na si Mike, kinuha niya akong ninang." sabay pakita niya sa invitation. Binawi niya ang kamay niya at tinuloy ang ginagawa niya.
Shit! Shit! Shit!
Agad ko siya niyakap sa likuran. "I'm sorry, Maya. I'm really sorry." nag-guilty ako. "Iluluto ko muna yung dinner." aniya habang humihikbi pa rin. Mas lalo ko hinigpit ang yakap sa kanya. "Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng selos. Patawarin mo ako." nasasaktan ako na nasasaktan ko siya.
Ibinaba niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. "May karapatan din ba ako?" biglang tanong niya. "What?" hindi ko maintindihan. "Gaya mo ba, okay lang ba na umasta ako na may karapatan? Magselos?" pagpapaintindi niya. "Of course. Sayo ako, Maya." sabay hawak ko sa kamay niya.
"Nagseselos ako."
"Huh? Nagseselos? Kanino?"
"Kay Diana."
"Diana? Why?"
"Nakita ko yung story niya. Siya ba ang sinasabi mong emergency?" kitang kita ang sakit sa mga mata niya.
"About that..." naexplain ko na sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka nagreply sa tanong ko? Hindi mo alam kung gaano ako nag aalala nang sinabi mong may emergency ka." hinawakan ko pa ang isa niyang kamay. "Nalowbat yung phone ko. I'm sorry." ang dami kong kasalanan sa kanya.
She nodded.
"Forgive me, Maya. I'm really sorry." iiyak ako kapag hindi niya ako napatawad. "Okay."
"Okay? as in, okay na tayo? Hindi ka na galit?"
"Hindi naman ako galit."
"Hindi ka na nagseselos?" pag iiba ko.
"Uhm. Basta sa susunod ipaalam mo para hindi ako nag ooverthink." napangiti ako. "Promise." sabay halik ko sa noo niya at mahigpit na yakap. "Ikaw lang ang babae sa buhay ko." bulong ko sa kanya at niyakap niya rin ako. "Nasayo na ang puso ko kaya huwag ka na rin magselos kahit kanino." bulong din niya.
Ilang buwan din ang lumipas ay inintindi ko na lang ang parating pagiging busy ni Maya sa work. Naglilibang na lang ako sa laro, sa business ko, at kay Gayle.
YOU ARE READING
Hidden Love (Walo Series #3)
FanfictionHanggang kailan itatago ni Nikka ang pagmamahalan nila ni Amaya?