18. Label Me, Engineer

5.1K 12 0
                                    

B × G
🔞

At the age of 27, ang daming nagtatanong kung bakit daw wala pa akong boyfriend o asawa. Halos lahat ng kaibigan at ka-batch ko ay kinakasal na, iyong iba ay buntis na at may anak na rin.

“Ano na, Bangs? Noong highschool at college, ikaw ang may pinakamaraming manliligaw. Bakit ngayon ikaw pa ang napang-iiwanan?”

Ngumisi ako at inilingan ang mga kaibigang pinalilibutan ako. “Busy pa sa work,” sagot ko sa kanila.

Gusto ko munang maging financially stable bago pumasok sa isang relasyon. I date to marry so as much as possible, umiiwas ako sa mga hook-ups lang ang gusto. Karamihan kasi sa mga nanliligaw sa akin ngayon ay katawan at mukha ko lang ang gusto, gusto lang makatikim.

And well… kahit may seryoso, they’re just not attractive enough for me. I just don’t feel it with them.

I fell in love when I was in 3rd year college. Magaling siya sa academics, sporty, magaling sa arts, gwapo, at mayaman. We had a thing but we didn’t have the label. We lost contact after graduation because he had to go abroad as his family’s wish. At hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya with all the years that have passed. Kanya-kanyang buhay na rin e.

He was my standard. He IS my standard.

“E iisang tao lang naman ang nagpatiklop d’yan kay Bangs,” sabi ni Yumi at dahil doon, lahat sila ay nagbungisngisan.

“Si Hades!” sabay-sabay nilang sigaw at nagtawanan. Halos iwan na ako ng aking kaluluwa dahil sa kahihiyan.

Umingay ang lamesa namin at napansin kong natigilan ang mga grupo ng boys hindi kalayuan sa amin, at napatingin sa aming banda. I saw Hades’ eyes locked onto mine. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagkibot ng kanyang labi.

Shit. Gusto kong lapain na lang ako ng lupa.

Nag-iwas ako ng tingin at sinaway ang mga dating kaklase. Ngayon, alam ko na kung bakit sinasabi ng karamihan na nakakahiyang um-attend ng school reunion…

Iniba na rin nila ang usapan kalaunan at matapos ang ilang minuto, naramdaman ko ang titig ni Hades sa akin. Nang lingunin ko siya at nginuso niya ang teresa bago siya tumayo at pumunta roon.

It was an invitation.

Nagpaalam ako sa mga dating kaibigan na sa teresa muna ako at magpapahangin.

Ang laki talaga ng bahay nila Stefanie— iyong nag-aya at nag-organize ng reunion namin ngayon. Kaharap ko ang malawak nilang bakuran. Nasa labas ako ngunit rinig pa rin ang mga ingay nila sa loob.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa umihip na hangin. Gabi na kaya madilim. Halos wala na akong makit. Sira raw kasi ang ilaw rito kaya sa loob lang kami pinatutuloy ni Stef. Mabuti at kahit papaano ay maliwanag ang buwan kaya medyo visible naman ang terrace.

Hinanap ko siya sa teresa pero wala akong makita. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

“Hello, gorgeous…”

Nanlamig ang buong katawan ko sa pamilyar na boses na iyon. I turned to see him and I saw him seductively looking at my body.

“Mas lalo kang gumanda,” ibinulong niya sa gilid ng tenga ko.

Kinagat ko ang ibabang labi at nagpipigil ng ngiti. Ang bango niya. “Masyado kang malapit, Hades.”

“Should I keep my distance, then?” Naramdaman ko ang kamay niyang lumapat sa aking bewang at hinaplos iyon papunta sa aking p’wetan.

“Maybe not?”

Kung saan-saan na pumaparoon ang kanyang kamay. Idiniin niya ako sa kanyang katawan at hinawakan ang panga ko.

One-shot SmutsWhere stories live. Discover now