21. Sk8ter Boi

6.4K 18 0
                                    

B × G
🔞

Nangalumbaba ako sa upuan ko at tulala sa prof na nagtuturo sa harap ng klase. Labas-pasok lang naman sa tenga ko lahat ng sinasabi niya kasi ang buong atensyon ko ay nasa maliit na skateboard na pinaglalaruan ko sa aking mga daliri.

I’ve memorized all the tricks I’ve seen on YouTube that I can do everything even with closed eyes. Well, sa daliri lang. Wala akong skateboard e.

My parents don’t want me skateboarding. Ayaw nilang nakikipag-barkada ako sa kung sino-sino. Ang gusto nila, tutok lang ako sa pag-aaral. Kahit nga ang kababata kong si Mariel ay ayaw nilang nakakasama ko palagi. May iba kasi itong mga kaibigan, ayaw akong madamay.

Being an engineering student is stressful. That’s not even what I wanted, that’s just their dream for me. Gusto ko mag-fine arts pero ang sabi nila, hindi naman daw ako yayaman sa ganoon. Maski sa mga bagay na ikaliligaya ko ay hindi ko rin p’wedeng gawin?

“Mars, hello? Earth to Marcelina?” iwinagayway ni Mariel ang kamay niya sa mukha ko para maagaw ang atensyon ko.

“Ha? Sorry…”

She followed my line of vision and caught me staring at his brother’s skateboard. “Iyan nanaman?”

I sighed. “Gusto ko talaga, Mariel. Naiinis ako, kahit ilang beses akong bumili, lagi nilang nahahanap at tinatapon,” frustrated kong sumbong.

She also sighed and stared at me as if I was a big puzzle she needed to solve. From the other side of the table, she leaned towards me.

“Gusto mo talaga?”

I gave her all of my attention and nodded. “Oo. Gustong-gusto.”

Tumayo siya. “Ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na riyan at bibili tayo ng skateboard mo! Iwan mo na lang dito pagkatapos mong mag-training, para hindi nanaman mahanap ng parents mo. Sabihan ko si Kuya na isama ka sa plaza. May friend si Kuya na willing magturo.”

Lumabi ako at halos magkaroon na ng sparkle emoji ang mga mata ko. “Waah, Mariel! Hulog ka talaga ng langit sa akin!” I dramatically said.

Sinamahan niya akong bumili ng skateboard. Lahat ng pili niya ay kulay pink, ako naman ay puro itim. I like black so…

“Kaso medyo nag-aalala ako. Babaero kasi ’yon e.”  Pagkatapos naming bumili ay kumain muna kami ng fishball at kwek-kwek, at tumambay sa tapat ng cathedral.

Hindi ko matanggal ang yakap ko sa bagong biling skateboard ko. “E ano naman? Hindi naman ako papatol doon no? Anong akala mo sakin…” sabay irap ko sa kanya.

“Sure ka? Sobrang gwapo no’n. Baka ma-inlove ka kapag nakita mo,” she smirked.

I snorted. “Hah! Ang babaw naman ng tingin mo sa akin. Kahit super gwapo pa ’yan, never ako maglalaway riyan!”

That’s… what I said.

However, I found myself jaw-dropped and mesmerized by this boy who’s chewing bubble gum. He looked so fresh with his beige oversized t-shirt, and ballcap that he wears backwards.

“Mars, bibig mo,” bulong niya sa akin kaya naman mabilis kong naitikom ang bibig.

Shit. Sobrang gwapo nga. Single ba ’to?

“Tulungan niyo muna akong mag-babysit mga pre,” sabi ng Kuya ni Mariel sa mga kasamahan niya matapos magpakilala.

“Excuse me? I’m not a baby,” I raised a brow.

The guy named Peter chuckled, ang kuya naman ni Mariel ay napakamot na lamang sa ulo.

“Shall we start, then?” si Peter sabay muwestra ng plaza sa likuran niya.

One-shot SmutsWhere stories live. Discover now