B × G (Part II of Ruthless)
🔞
-I knew for sure that everything will never go back to the way they used to be. I had my doubts, he had his, but neither of us knew how to stop.
We became each other's comfort zone, as much as we became each other's headache. Sometimes we fight, we have sex, we laugh. But we're not even dating, why are we like this?
Usap-usapan ang pagiging malapit ni Jino sa ibang babae sa department nila. Ako palagi ang ginugulo ng mga tao para tanungin kung may alam ba ako roon.
"Akala ko ikaw ang girlfriend? Bakit laging kasama iyong babae?"
"Her name's Hannah, right?"
Kumibot ang labi ko sa pilit kong pag-ngiti. "I don't know, guys. And I'm not his girlfriend, I don't have a say on whoever he's close with." I scooped my bag and books. "Excuse me, alis na ako."
Kung hindi pa ako umalis ay hindi nila ako tatantanan ng tanong.
Usap-usapan iyon pero hindi ko pa nakikita ang babaeng tinutukoy nila, at wala ring nasasabi si Jino tungkol doon because to be honest, bakit niya pa sasabihin? Ano ba kami, 'di ba?
I felt a foreign feeling in my heart. Sinakop din ako ng iritasyon at hindi ko alam kung bakit.
Pumunta ako sa student council office ng Architecture since officer si Lloyd doon. Talagang sinadya ko siya para kumalap ng impormasyon. Parehas kasi silang Archi ni Jino e.
"Ah, si Hannah? Kaklase ko 'yon last year. Matagal nang may crush 'yon kay Jino," sabi ni Lloyd at tinigil ang pagtype sa computer.
"Lagi raw magkasama e," kagat-labi kong bulong.
"Sus, alam mo naman si Jino, ayaw sa commitment no'n. Baka katawan lang habol kay Hannah," sagot niya nang may ngisi pero mas lalo lang ako nag-alab sa galit.
That's even worse! Ano, sawa na ba siya sa'kin kaya sa iba naman siya makikipag-sex?! What a douchebag!
"Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Tanong kasi nang tanong mga nagkakagusto sa kanya sa Biology. Hindi ko alam isasagot ko e so..." nagkibit-balikat ako.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog noong gabing iyon. Maingay ang group chat, sina Eric at Lloyd lang ang nag-iingay. Si Jino, walang paramdam. Kinabukasan, pumunta si Jino sa klase ko at inabangan ako sa labas ng pintuan ng lab.
"Hi," bati niya kaagad pagkalabas ko. I nodded coldly and walked past him.
"May klase ka pa after nito? Punta ka sa condo mamaya, may gusto akong i-try, back painting. G ka?" Sinusundan niya akong naglalakad. Kahit gusto kong bilisan ang hakbang, maaabutan niya pa rin ako since malalaki ang hakbang niya.
"Busy ako. Ayain mo si Hannah."
Kumunot ang noo niya. "Wait, how'd you know about Hannah?"
I shrugged. "D'yan lang sa tabi-tabi."
Humarang siya sa nilalakaran ko at hinawakan ako sa dalawang balikat, dahilan para matigil ako.
"Aba, ang sungit ah. May regla ka ba?"
"What?"
"O nagseselos ka?"
Umirap ako at tinulak siya palayo. "Pinagsasabi mo?"
"Nagpapapansin lang sa'kin 'yon, 'di ko naman siya gusto." Humalakhak siya at inipit sa tenga ko ang ilang hibla ng tikwas kong buhok. Pagkatapos ay bumulong siya... "Tara sa condo mamaya. Kantutin kita, tanggalin natin selos mo."
YOU ARE READING
One-shot Smuts
RomanceThis contains matured contents and strong languages that are not suitable for young audiences. The author uses vulgar and uncensored words in writing her smuts. If you're looking for soft bed scenes, this is not for you. YOU HAVE BEEN WARNED.