12. Elias' Uniform

261 3 0
                                    

Chapter 12: Elias' Uniform

Seren

Thursday. Signature day. It was a day filled with excitement as we prepared to leave our school days behind. Sa madaling salita, sa school namin, mayroong annual na tradisyon na kung saan sa last day na magkakasama ang mga ga-graduate na student, pipirmahan 'yong uniform ng isa't isa o puwedeng mag-iwan ng farewell message. This is what I'm really looking forward to. This will be served as our remembrance, since hindi na rin naman namin magagamit 'yong uniform sa college.

This morning, the event began. My uniform and Viviana's were already covered with signatures and messages from our beloved classmates. Samantalang si Anais ay si Arturo lang ang pinayagan niyang magsulat sa uniform niya. Kahit kami na kaibigan niya, hindi kami pinagbigyan. Napapailing na lamang ako. May favoritism!

Ang cute pagmasdan ng mga estudyante sa paligid, their uniforms already adorned with a colorful array of signatures and messages.

"Tang*na naman, Viviana! Ano bang sinusulat mo diyan sa likuran ko? Napakatagal!" pagrereklamo ko sa kaibigan ko. I couldn't help but feel a pang of irritation. Nandito kami sa tapat ng room namin. Wari ko'y tatlong minuto na kaming nakatayo rito. Namumuti na 'yong buhok ko and everything, 'di pa rin siya tapos.

"'Wag kang malikot!" matigas na utos ni Anais sa akin, gripping both of my shoulders. Pinagkakaisahan nila akong dalawa.

Rinig ko ang pagtawa ni Viviana. "Chill ka lang, I'm almost done."

After a few more seconds, she finally finished. At last.

"Perfect!" sabi naman ni Anais at pareho silang humagikgik.

I turned around to face them. Malalaki ang kanilang mga ngiti at nahuli ko pa silang nag-apir na para bang satisfied sila sa ginawa sa akin. I had a feeling they had written something silly on my back.

I raised my right eyebrow. "What did you guys write on mine?" I asked, unable to hide my frustration. "Peste, 'di ko mabasa!" Kahit anong hila ko sa uniform ko, I couldn't see what they had written since it was right in the middle.

"Mamaya mo na basahin, vebs!" pigil ni Anais sa akin.

"We wanted it to be surprise," dagdag naman ni Viviana na hindi pa rin tinatanggal ang nakakalokong ngiti.

Sinamaan ko sila ng tingin pareho. "I'm serious. Sasabihin niyo ba o maghuhubad ako ngayon dito?" I dared them. Curious na curious talaga ako. Wala akong tiwala sa kanila. I need to know if they are just messing with me. Nagsisi akong pinayagan ko pa silang magsulat sa uniform ko.

"Go! Sinong hinahamon mo? Or better yet, doon ka sa HUMSS maghubad, sa harapan ni Elias." Nagulat ako sa hirit na iyon ni Viviana na sinamahan niya pa ng paghalakhak.

Kabastusan talaga lagi nasa bibig nito, eh.

Anais burst out laughing. "Don't worry, it's all in good fun. My gosh! Wala ka bang tiwala sa amin? Besides, you'll get to read it later. It's not like we wrote anything bad. Grabe ka naman sa amin," maarte niyang pagkakasabi.

I sighed in exasperation and rolled my eyes. "Whatever," pagsuko ko, then hinayaan kong nakalugay ang buhok ko para matakpan 'yong sulat at walang makabasa just in case. "Teka nga. Where's Thalia? Siya na lang 'di pa nakakapagsulat sa uniform natin." Huling message niya sa amin ay papunta na raw siya rito, but she still hadn't shown up.

"Puntahan kaya natin?" suggest ni Anais.

My eyes immediately rolled again upon hearing it. "Kayo na lang!" I snarled then turned away. Pumasok ako sa loob ng room.

Sumunod sila sa akin. "Tara na!"

"No way!" I said quickly, frowning and shaking my head. "Let's just wait for Thalia here."

what if we happenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon