1. His Name is Elias

994 20 2
                                    

Chapter 1: His Name is Elias

Seren

"Anong pusta mo?" Viviana asked Anais.

Pare-pareho kaming na-crave sa iced coffee kaya dumaan muna kami rito sa maliit na coffee shop bago tumuloy sa school. We already ordered. Nakaupo na kami sa isang lamesa, just waiting for our orders to be done, so I allowed my friends to engage in their own conversation. I glanced out the window and observed pedestrians passing by. Hindi ako interesado sa pinag-uusapan nilang dalawa dahil kilala ko sila, siguradong wala naman kakuwenta-kuwenta 'yon.

"How about you, Seren? Anong pusta mo?" tanong naman sa akin ni Viviana. Ayan na nga. Paniguradong may nilalaro silang kalokohan sa isipan.

Napalingon ako sa kanila. "About what?" I asked, slightly annoyed.

Viviana gripped Anais' arm tightly. "Ay, mainit agad ang ulo niya, teh!"

"Ano nga 'yon? Ano bang pinagpupustahan niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Anais directed her finger towards a guy at another table. He's good-looking. Mag-isa ito at busy sa pag-i-scroll sa phone niya, nakasuot ito ng cap na naka-partner sa black niyang t-shirt. Much like us, he seemed patiently waiting for his name to be called by the cashier to pick up his coffee order.

"Kita mo 'yon?" Anais asked.

Tipid akong tumango. "And? Anong meron sa kaniya?" I asked curiously.

"Do you think he has abs or wala?" humahagikgik niyang tugon at nagkagat labi.

Napanting ang tainga ko sa tanong na iyon kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Tang*na naman! Seryoso ba kayo?" I asked irritably. I almost raised my voice to the point that it reached some ears near us and glanced to our direction, pati na rin 'yong tao sa cashier, mabuti na lang hindi ko nakuha attention no'ng lalaki na 'yon.

"Come on! Don't be kj! Ang pogi kaya niya! Pumusta ka na lang," pamimilit pa ni Viviana sa akin.

I glared at her and crossed my arms. "Ayaw ko," I refused. "Hanggang kailan talaga, kapag may pogi kayong nakikita, halos sambahin niyo na, eh 'no."

"Hoy, rare lang kasi ang mga pogi sa mundo kaya suwertihan mo na lang silang hahagilapin. Just like him, he's rare! Palalagpasin mo pa ba? Kapag ang pogi, nandiyan na sa tabi mo, magpakilala ka na!" Viviana retorted. "Ano na kasing bet mo?

"What kind of philosopy is that?"

"Daming ebas!" naiinip na sabi ni Anais.

"Tell me the deal, then? Ano bang price ko kapag nanalo ako sa pustahan na iyan?"

"Kapag may abs siya, ililibre niyo ako ng milk tea next na order natin and if ever he doesn't, ako naman ang manglilibre, clear? Kanina pa kasi namin siya pinagmamasdan at pinagtatalunan ni Anais kung may abs ba 'yan o wala," paliwanag pa ni Viviana. "So, what's your final decision? Hurry up!"

I stared back at that guy. Moreno siya. Malakas ang appeal but not enough for me to find him attractive. Namumutok ang muscle nito sa suot niyang fitted na t-shirt, clearly showing he's very fit from working out at the gym. "He has, obviously," I finally answered.

They sparkled with joy. "Ako ang pusta ko ay wala at sa inyong dalawa ay meron," Anais concluded.

"This is exciting!" bumungingis si Viviana.

"Tumayo ka na, girl! Go! Lapitan mo na siya!" utos sa kaniya ni Anais na halos pagtabuyan na si Viviana. Viviana stood up and prepare herself.

Nanlaki mga mata ko sa kanilang dalawa. "Siraulo? Lalapitan ni Viviana?"

what if we happenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon