23. The Question of Us

188 5 0
                                    

Chapter 23: The Question of Us

Seren

Pinalipas ko muna ang ilang mga araw bago ko napagdesisyunan na i-follow back na si Elias sa Instagram. Ito na ang oras upang tapusin ang pagpapapakipot at pagpapaganda!

Komportable akong nakahilata sa kama ko ng gabing iyon habang mahimbing natutulog sa tabi ko si Dilim. After just a few minutes, lumabas sa notification ng phone ko na in-accept na ni Elias ang follow request ko dahil nga private ang account niyang iyon, so this is a big deal for me. Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko as I realized I finally have the access!

"Ang bilis, ah. Halatang type rin ako!" I couldn't help but giggling.

Delulu moments.

For so long, I had been manifesting this moment, imagining what it would feel like to connect with him in this way. I've been so curious about what's in those forty-three posts of his. I mean, ganito pala ang pakiramdam kapag nagfa-follow-an na kayong dalawa ng crush mo sa Instagram! Si Elias lang pala magpapa-active sa akin na palaging mag-story. Yes, it gives me that extra push para araw-araw akong may story at walang mintis kung mag-like siya.

May meaning ba iyon?

Kagaya ngayon, nag-selfie ulit ako at inilagay sa story.
Ilang segundo pa lang ay naka-receive agad ako ng notification.

eliasfrancisprincipe liked your story.

"Ang ganda ko talaga! Laging naka-like sa story ko, ah! Patay na patay ka ba sa akin?!"

Inistorbo ko sa pagtulog ang katabi kong pusa. "Dilim, anong gusto mong treat? Sabihin mo lang at ibibigay ni mommy bukas na bukas din!" I cooed.

It's time to stalk Elias!

Binisita ko ang account niya. Immediately, I noticed how different he looked here compared to his Facebook account. Interestingly, he has a lot of pictures here, dito pala niya itinatago ang mga selfie niya. Marami-rami tuloy akong choices para i-wallpaper.

He has about five hundred followers but he followed very few accounts, including mine. Samantalang ako ay wala pa sa sampu ang fina-follow ko. Napawi ang ngiti ko at kaunting kinabahan nang may biglang sumibol na imahe ng babae sa utak ko.

What if he followed Sandra?

My stomach twisted at the thought. If he did, automatic na unfollow siya sa akin. I couldn't bear it for sure.

Upang makampante ang aking kalooban, mabilis kong pinindot sa screen ng phone ko ang following list ni Elias. Smile crept back on to my lips because thankfully, he didn't. Kahit i-double-check ko pa iyon.

It felt like a little victory. Sa akin pa rin talaga ang huling halakhak!

Matagal akong tumambay sa account ni Elias, lahat ng picture ay maingat kong tiningnan. Halos lahat din na iyon ay diretso sa photos ko.

He's effortlessly pogi.

Kuhang-kuha ang inis ko sa mga picture niya. Kapag ba 'to sinuntok ko, mababawasan kaya kapogian niya?

May mga lalaki pala talagang kahit hindi mahilig mag-ayos o pumorma, ma-appeal pa rin—just like him. How could that be? Kahit anong gawin niya, ang pogi-pogi pa rin niya. He seemed blessed with good looks. Marunong din kasi siyang magpa-cute, because it looks like a smile was always glued to his lips.

"Tang*nang pagmumukha 'yan!" bulalas ko. "Paanong hindi mababaliw sa iyo, Elias! Kahit wala kang ayos, ang pogi-pogi mo pa rin! Lalo na 'yong taling mo sa ilong!" pagpapantasya ko sa kaniya habang tuloy sa paniningin ng mga picture niya at saka naman ako pumikit. "Akin na lang po 'to, Lord! Please po! Ibalato mo na po sa akin 'to! Magpapakabait na po ako. Hindi ko na po tatarayan mga kaibigan ko at hindi na po ako magmumura kahit kailan, siya lang po ang kapalit! Please po! Don't let anyone else have him! Andito naman ako, Lord. I'm begging you! Iiyak talaga ako kapag inagaw pa 'to ng iba."

what if we happenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon