Chapter 17: Meeting My Parents
Seren
"Salome Seren Cervates," rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga audience nang um-echo ang pangalan ko sa buong auditorium, signaling that I was the next to walk up on stage.
A wide smile worked its way across my face and into my eyes. Halo-halo ang nararamdaman ko, may kaba, may saya at may kasabikan na makuha na 'yong bagay na pinaghirapan ko ng dalawang taon sa paaralan na 'to. As I received my diploma, nakangiti akong nakipagkamay sa mga mahahalagang panauhin, who greeted me with their congratulatory smiles.
I turned to face the audience for the picture. I saw so many faces. The applause seems to go on forever, and I can see my parents and friends cheering me on, nakapinta ang ngiti sa kanilang mga mukha habang pinagmamasdan akong nakatayo rito. Gaano man karami ang tao, alam na alam ng mga mata ko kung saan mahahanap agad ang guwapong katauhan ni Elias, I saw him clapping enthusiastically with a big proud smile on his face. Kumikintab din ang mga medal na nakasakbit sa leeg nito.
Finally, my high school chapter was complete—college was next!
And I'm not excited.
Let's say, a little.
Paano ako ma-eexcite kung 'yong magulang ko ay walang pakialam sa kagustuhan ko? Wala akong free will para madesisyon.
Nang matapos ang graduation ceremony, kaniya-kaniyang nagsitayuan ang graduates upang puntahan ang kanilang mga pamilya. I first approached my parents to hug them, and they congratulated me warmly. I'm glad they both made it here today despite of their busy schedule, and they looked so proud of me. Siyempre, masaya ako para doon.
"Seren!" Soon after, rinig kong tinatawag na ako ng tatlo kong mga kaibigan. Iniwan ko muna mga magulang ko at hinayaan silang makipagkuwentuhan sa magulang din ng mga kaibigan ko habang hinihintay nila kami.
We went out of the auditorium, carrying our diplomas. Nadatnan namin ang dami ng tao rito sa labas na kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan upang mag-celebrate. Everyone looked so elated.
"Palong-palo sa mga medal mo, Thalia! Hindi ka ba nabibigatan? Masyado mong ginalingan!" biro ni Viviana kay Thalia habang nakatingin sa kumakalampag na mga medal sa bawat paggalaw nito. "Can I borrow one? Ako lang kasi ang walang medal sa ating apat, eh . . ."
"Sure!" Thalia wasn't hesitant to take off one of her medals and handed it to Viviana.
Viviana immediately put it on. "Ang ganda," she said, admiring it and running her fingers over its shiny surface. Her tone was a mix of awe and wistfulness.
Bilang kaklase ni Viviana, I had witnessed her dedication and hard work. Mukha siyang hindi nagseseryoso pero diligent siya sa pag-aaral niya kaya it's kind of confusing why she didn't achieve honors like the rest of us. Kahit papaano, may tig-isang medal kasi kaming dalawa ni Anais. Kahit na muntikan na rin akong hindi magka-award dahil sa AI issue ko. Nagkatinginan kaming tatlo ng mga kaibigan ko, nahalata rin nilang malungkot ang kaibigan namin.
"I wish I had one of these too," Viviana whispered in disappointment but loud enough for us to hear. Umangat ang tingin niya sa amin. "Bakit kayo ganyan makatingin sa akin?" Kaunti pa siyang natawa.
"Are you okay?" Thalia asked.
"Oo naman," she replied quickly, trying to mask her pain with a half-hearted smile.
"Sure?"
This time, kusang lumungkot na ang mga mata niya at bumuntong-hininga. She shrugged. "I really thought I'd make honors this year. I really gave it everything I had. Siguro, I'm not as smart as I thought. Kaunting-kaunti na lang kasi, hindi pa umabot 'yong average ko. Sayang. E di, sana meron din ako kagaya niyo but I couldn't. I thought we'd all have medals and be the perfect friendship goals. Panira tuloy ako sa inyong tatlo. Sorry kung may bobo kayong kaibigan."
BINABASA MO ANG
what if we happened
Teen Fiction"If I had confessed my feelings to him, would there have been a possibility for us?" - Seren - Date Started: June 25, 2024 Date Finished: