31. Between Two Pencils

168 6 0
                                    

Chapter 31: Between Two Pencils

Seren

Pambansang Prinsipeng Makata:
Pang-anim na tanaga para kay Salome.

Ikaw ang aking ngiti,
Ikaw ay natatangi,
Sa akin ang kiliti,
Sa iyo lang ang sisi.

Seren:
Ang tagal nating hindi nagparamdam, ah.

Pambansang Prinsipeng Makata:
Miss me?

Seren:
More like 'yong tanaga mo, hindi ikaw mismo. 😜

Pambansang Prinsipeng Makata:
E di, miss mo nga ako. 😍

Seren:
Bakit wala kang paramdam? Seryoso, almost one month ka rin walang message.

Pambansang Prinsipeng Makata:
Luh, hinahanap-hanap ako. 🥹

Seren:
🙄

Pambansang Prinsipeng Makata:
Masyado ko lang ine-enjoy personal life ko. Nakalimutan ko nang i-send mga tanaga ko sa iyo. 🥹

Seren:
Okay.

Kinakalimutan na pagkatapos ng lahat. Ganyan ka ba lumandi? Nangbibitin?

Pambansang Prinsipeng Makata:
Luh, siya.

Seren:
Charot lang, don't assume, please.

Pambansang Prinsipeng Makata:
Pangpitong tanaga para kay Salome.

Ang mga tugma at tula,
Para lamang sa iyo,
Ang aking mga pagsinta,
Hindi 'to magbabago.

Ayan na isa pa, para wala na akong utang sa iyo. 😉

Seren:
Isa pa nga.

Pambansang Prinsipeng Makata:
Huwag na, baka magkaroon ng butterfly stomach mo.

Seren:
Kapal! Kabag tawag doon, hoy! Mahiya ka!

-

"Asaan ka na ba kasi?" naiinip kong kausap si Elias over the phone. I constantly check the watch on my wrist, we still had ten minutes until the exam started. "You told me you'd only be a minute. For your information, thirty minutes na ako naghihintay rito. Malapit na magsimula 'yong exam, and you're not even here yet. Hurry up! Ano ba!"

Today is our entrance exam at Aurora University. Sabay kaming pumuntang University but he told me na mauna na sa loob because he needed to take care of something for just a moment, though he didn't say exactly where he was going or what he needed to do. Mas pinili ko na lang hintayin siya rito sa tapat ng gate, thinking it wouldn't be long. I'm not going inside without him. Hindi ko naman alam na ganito pala ang definition niya ng saglit.

"Heto na! Malapit na ako, isang kanto na lang!" rinig ko ang pagmamadali at hingal sa tinig ng boses niya.

I glanced around the area again. I felt a little embarrassed waiting alone, and now I was getting nervous about the time. "Kanina pa 'yang malapit na iyan. Bilisan mo! Nakakahiya if we're late," I hissed into the phone.

"Kaunti na lang talaga!" he reassured me.

I glanced at the watch again, I just shook my head. Ilang sandali pa'y natanaw ko rin sa wakas si Elias, tumatakbo. As soon as I saw him, I quickly ended the call and put my phone in my pocket. When he saw me, his lips immediately broke into a smile. Ginantihan ko iyon ng pagtaas ng kilay dahil sa hitsura niya. Sweat dripping down his face and his hair all messy and tousled. Habol hininga siya nang nakarating sa tapat ko habang hawak niya ang isang tuhod bilang suporta. He looked really exhausted.

what if we happenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon