Chapter 36: An Unplanned Trip
Seren
Pambansang Prinsipeng Makata:
Pangsiyam na tanaga para kay Salome.
Sumama ka sa akin,
Ika'y pasasayahin,
Sandaling yayakapin,
Tatahan sa 'king piling
Seren:
Pancho, huwag ngayon.
Awat muna sa landi.
I'm not okay.
Pambansang Prinsipeng Makata:
That's why I send you my tanaga because I knowing you not okay. 🥹
Seren:
Mas lalo akong hindi nagiging okay, eh. Sumakit bigla ulo ko sa reply mo.
Let's just talk next time. Wala akong tulog kagabi. Antok na antok na ako. I'm going to sleep now.
Pambansang Prinsipeng Makata:
Okie. Rest well.
Pero tandaan mo na malalagpasan niyo rin 'yan. Alam kong hindi madali iyong sitwasyon ng kaibigan mo pero matatapos din lahat ng iyan. Sigurado ako. Ang importante ngayon, maging matatag kayo, lalo na't kailangan niya kayo. Malaking bagay iyon para sa kaniya.
My brows furrowed hard. Dumalaw sa akin ang pagtataka. Naglaho ang antok ko. Napaayos ako ng higa sa kama nang mabasa ko ang huling message na iyon mula kay Pancho. I tried to remember if I ever mentioned anything about what happened with Viviana. I mean, I've been careful, haven't I?
Wait. Ilang minuto ako nag-isip-isip. Paanong nakarating iyon sa kaniya? Sure ako, I've kept everything to myself. No one was supposed to know. I didn't post anything, I didn't talk about it, not even to my parents. Na-appreciate ko iyong message niya para mapagaan ang loob ko but how could he possibly know? Did someone say something? But who?
Related ba siya sa ka-date ni Viviana?
Seren:
Wow.
Saan nanggaling iyan?
You speak as if you know everything that's been going on.
Pambansang Prinsipeng Makata:
Just a feeling I had. 🤷♂️
Hehehehheh.
Seren:
Feeling mo lang?
Imposible. Sino nagsabi sa iyo na tungkol ito sa kaibigan ko? May alam ka?
Pambansang Prinsipeng Makata:
Hala! Wala.
Go na. You need to take a rest now. 😅
Seren:
Pancho, I'm asking you serious question. May alam ka. I need you to be honest with me.
Pambansang Prinsipeng Makata:
Hindi na iyon importante.
Seren:
No! This is private matter. Importante 'to sa akin. Hindi tamang pati iyon ay alam mo na rin.
So alarming.
Minutes passed, hinintay ko siyang mag-reply pero hindi niya sini-seen ang message ko, probably he was thinking kung paano makalulusot. That's when I composed one last thing.
BINABASA MO ANG
what if we happened
Teen Fiction"If I had confessed my feelings to him, would there have been a possibility for us?" - Seren - Date Started: June 25, 2024 Date Finished:
