Chapter 24: Most Beautiful Girl
Seren
Mga ilang minuto ay nagsimula na ang birthday party ng kapatid ni Elias. Tiara was beautiful with her purple gown when she walk down the aisle. Her gown flowed elegantly with each step, tila isang prinsesa sa kaniyang espesyal na araw. She was smiling the whole time. Mas may hawig silang dalawa ni Tristan kung ikukumpara kay Elias. Napuno ng palakpakan ang mga bisita, all eyes focused on her as she made her way to the front.
Sa isang sulok ng aking isipan, minsan ko ring hiniling sa mga magulang ko na magkaroon din ng ganitong kagrandeng okasyon noong bata pa lang ako . . . pero kay ate lang nangyari 'yon. Naalala ko na naman kung gaano ako nainggit noon sa kaniya.
When Tiara reached the stage, that's when the emcee welcomed everyone and began the usual ceremonies. Inumpisahan sa seven roses na kung saan ay kasamang isinayaw ni Tiara sina Elias, Tristan at ang Papa nito.
"Ate ganda, kapag nag-7th birthday rin po ako, I hope you are also there and you will dance with me po," nakangiting sambit ni Tristan sa akin. Nasa iisang table kami na kasama ang pamilya ni Elias at hindi na lumayo si Tristan sa tabi ko pagkaupo namin. Elias was on my other side.
I smiled at him back. "Of course! I'll be there."
"Promise po?"
I nodded once, at saka sinungkit ang tungki ng ilong niya. "I promised."
Ikanalawak iyon ng ngiti niya.
Next came the segment with seven balloons, gifts, chocolates at panghuli ang treasures. The audience watched with delight. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay nagbigay ng short and heartfelt message ang parents nito.
After the speeches, the emcee introduced the games for the kids. Halatang nag-enjoy ang mga bata dahil sa mga prize na natanggap nila. Once the games wrapped up, everyone gathered around for the singing of 'Happy Birthday' song. Lumapit si Tiara sa three-layer cake na puro flowers at butterflies ang design ngunit kinailangan siyang buhatin ng Papa niya upang i-blow ang mga candle. After the ceremonies, doon pa lang puwedeng kumain. We waited for all the kids to have their food before we did.
While eating, we watched a magic show. The magician performed tricks that left everyone in awe, but my focus turn to Elias when he nudged me gently.
"Subukan mo 'to, Salome." Hindi ko ipinahalata ang aking pagkagulat nang biglang gusto niya akong subuan. I glanced at him before looking at the spoon with the food in front of me. I hesitated. Bumilis ang tibok ng puso ko. Dagdag na rin na ang pogi ng pagngiti niya. "Kare-kare 'yan, tikman mo kung masarap."
Si Elias, susubuan ako?! Parang timang!
I raised my eyebrow in shock. I hadn't noticed kare-kare among the other dishes earlier. "May kare-kare pala?"
"Oo, kaya nagtaka ako bakit hindi ka kumuha," aniya.
"Hindi ko napansin."
"Tikman mo na, dali," udyok niya.
Umiingay ang kilig sa katawan ko kaya't sinusubukan ko 'tong itago. Bahagya kong hinawi ang aking buhok at unti-unting inilapit ang aking labi sa kutsarang hawak niya upang tuluyang paunlakan ang hiling niyang ipatikim sa akin iyon. I tried to focus on the food rather than the intensity of his gaze. "Not to be biased, mas masarap 'yong kay Lola Elliona," I commented and it was true.
"Ayun din ang sabi ko," Elias replied, chuckling. "Pareho tayo ng panglasa. Walang makatatalo sa luto ni Lola."
"Tama!" I decided to return the gesture. "You should also taste this, masarap din," alok ko sabay itinapat sa kaniyang bibig ang pagkain na nasa tinidor. Cordon bleu iyon. Napansin ko kasing wala siya no'n sa plate niya. He smiled first as he opened his mouth. "Did you like it?"
BINABASA MO ANG
what if we happened
Teen Fiction"If I had confessed my feelings to him, would there have been a possibility for us?" - Seren - Date Started: June 25, 2024 Date Finished: