Chapter 20: Just to be Fair
Seren
Elias and I took a quick selfie together and without thinking too much, I uploaded it to my Instagram story and also in my Facebook. Kinapalan ko na ang mukha ko since it was my first time visiting their home and it felt special, also nag-story rin siya na kasama ako kaya patas lang. Little did he know, siya pa lang ang lalaking nailagay ko sa story ko in my entire life. He's very lucky for that. Naiinis nga ako kasi kahit saang angle, ang pogi niya pa rin!
As soon as my friends saw it, sunod-sunod ang notification ko. Umingay bigla ang group chat namin na para bang ang laki ng revelation ang nagawa ko. Napapangiti na lamang ako habang binabasa ang mga asar nila.
Viviana:
Tang*na! Vebs! E di, ikaw na! Napakayabang! Ini-story na! 🙄Paano mo nagayuma si Elias?! Tell us, how?! Effective pala talaga. 😣
Anais:
OMG! Ang cute niyo together! 🥹Thalia:
No way! Ginugulat mo naman kami masyado, vebs.Viviana:
Nganga si Sandra! Nawa'y lahat inuuwi na sa bahay!Seren:
Surprise kayo, 'no? Well, ganoon talaga 'pag maganda!Oh, 'wag maiinggit, mga vebs! 🤣
Viviana:
Baliw! Naglilihim ka na sa amin, ah!Teka, bakit ka nga ba kasi nasa kanila? And why are you wearing his necklace? 🤔
Anais:
Taray! Kay Elias ba 'yon?Viviana:
Yes, inakala pa nga namin na para kay Sandra 'yon, eh.Anais:
Bongga, may pakuwintas! Nanliligaw na ba? 😲Seren:
Sandra kayo nang Sandra. Sino ba 'yan?'Yong hindi nagustuhan pabalik ni Elias? 🤪
Viviana:
Ubod ng yabang! 💩Thalia:
Nakakainis, napakalandi!Viviana:
Sarap ni Elias. 🤤Ay, nadulas.
"Puwede mo bang sabihin kay Jethro na mamaya na lang kayo mag-usap kasi kasama mo pa ako?" I heard Elias say, kaswal ang tono niya pero halatang may kaunting pagkairitado ito.
We were walking side by side. Pahapon na, and I had to go home. Knowing Elias, hindi niya hinayaan na maglalakad ako mag-isa. He said he wanted to make sure I was safe, and I felt safe.
I looked up at him, clueless. Nagulat ako roon, ah. How did Jethro even come into the conversation? "Jethro?"
"'Yang kausap mo," turo niya sa phone ko, not quite meeting my gaze, sa daan lang ang focus niya. I couldn't even read his mind, but I could see the seriousness on his face.
Why did he have to sound so serious suddenly? Kanina, ang saya niyang kausap noong umalis kami ng bahay nila then ngayon, tila nag-iba ang ihip ng hangin.
"This?" I lifted my phone screen as if to show him it was okay to see whatever was on it, patunay na wala talaga akong itinatago. "This isn't Jethro. Mga kaibigan ko lang 'to."
Elias slid his hand into his pocket, hindi pa rin ako magawang tingnan. "E di, mabuti."
Weird.
Kahit nagtataka ay ipinagpatuloy namin ang paglalakad at itinago ko na lang ang phone ko. Elias wasn't comfortable with my phone, iniisip niyang si Jethro ang kausap ko kahit sineen ko na lang reply nito kanina. I decided to tell my friends about what happened today once I got home. Malapit na rin naman ako makarating sa bahay dahil tanaw ko na ang gate namin. Sa ngayon, si Elias muna. There's something off about him that I couldn't pinpoint. Is he really that bothered to Jethro?
BINABASA MO ANG
what if we happened
Teen Fiction"If I had confessed my feelings to him, would there have been a possibility for us?" - Seren - Date Started: June 25, 2024 Date Finished: