32. Elias' Struggle

380 5 25
                                        

Chapter 32: Elias' Struggle

Seren

"Gosh. I'm so nervous," I said, talking to myself.

"Siguradong pasado tayo, huwag kang mag-alala riyan," kalmadong tugon naman ni Elias sa akin habang ang mga mata ay nakatuon sa librong binabasa niya na Noli Me Tangere.

How could he be so calm? It was as if he wasn't feeling the same anxiety I was. He was just so absorbed in his reading, para bang wala manlang siyang nararamdamang kahit anong kaba sa katawan. He was just perfectly relaxed!

Halos dalawang oras na akong nandito sa kanilang bahay, dito na rin ako pinag-lunch ni lola Elliona. Today was the day the school had promised to send out the results of the entrance exam via email.

We had made the decision to stay here together not just for the exam results but because I don't want to face the outcome alone. I needed Elias now. I need his support. Idinala ko rin si Dilim upang makapag-bonding silang dalawa ni Gabi but if I were being honest with myself, it was mainly to ease my anxiety, to distract myself. Mas kabado pa ako ngayon kaysa noong naghihintay ako ng result sa Elyseum University. Maybe because most universities were already closed for application. If I didn't get into this one, I wasn't sure where I would go.

Or maybe, kinakabahan din akong baka magkakalayo kami ni Elias.

"Paano kung hindi ako nakapasa?" malungkot kong tanong kay Elias. Nakaupo ako sa sahig habang nakikipaglaro sa dalawang pusa na nasa ibabaw ng sofa. Natatakot akong damputin 'yong phone ko. Samantalang si Elias ay prenteng nakaupo sa kabilang sofa.

"Huwag mo ngang isipin 'yon, makakapasa tayo."

"Paano nga kung hindi?" I repeated, looking up at him. He was still so calm. How could he be so sure? "Puwedeng ikaw lang makapasa, pero ako hindi. Worse, puwede namang pareho tayong hindi makapasa."

Itinagilid niya ang ulo niya sa akin, giving me his full attention. "Pero puwede ring ikaw ang makapasa at ako ang hindi. Puwede rin naman pareho tayo makapasa." A genuine smile flashed in his face. "Sabi mo sa akin, sigurado ka sa mga sagot mo, doon pa lang, hindi mo na kailangang pagdudahan sarili mo."

"Ewan ko ba, natatakot lang ako na kapag hindi ako nakapasa, wala na akong option na papasukan. Ayaw kong huminto ng one year," I admitted, taking a deep breath. "Ikaw ba? You're not even worried about the result? Hindi ka manlang kinakabahan kahit kaunti?"

"Kinakabahan din pero hinahayaan ko na lang," he replied, finally putting down his book and looking directly at me. "Hindi ko naman kayang tanggalin lahat ng kaba ko, at hindi ko naman kailangan alisin 'yon. Tao lang din ako, siyempre. Saka, ito lang din 'yong unibersidad na sinugalan ko."

He was nervous, too. It was a relief for me.

Umalis siya sa pagkakasandal niya at inabot 'yong isang baso ng juice na tinimpla ni Lola Elliona. "Salome, alam kong kabado ka pero hindi mo kailangang mag-alala nang sobra. Kung hindi man natin makuha ito, naniniwala akong may mga iba pang bagay na magandang matatanggap natin. Pero ngayon, ang kailangan natin gawin ay manalig at magtiwala sa mga ibinuhos natin noong araw ng pagsusulit." Saka siya uminom.

Isang maliit na ngiti ang ginawa ng labi ko, hindi ko alam kung anong magic ang nangyayari, pero sa bawat salitang binanggit ni Elias, parang iyong kabog sa puso ko ay unti-unting bumabagal. Ang sarap talaga pakinggan ng boses niya, kakaiba talaga siya magsalita.

Lakas manghikayat.

Sinamahan ako ni Elias sa sahig. "Hindi mo magagawang kontrolin ang lahat ng mangyayari, kasi may mga bagay na hindi talaga natin kayang pakialaman. Ang pinakamahalaga ay hindi ang resulta, kundi kung paano natin ito tinanggap. Kung alam natin sa sarili natin na ginawa natin lahat ng makakaya natin, wala dapat tayong pagsisihan at wala dapat tayong ikatakot nang sobra."

what if we happenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon