Chapter 25: Leap of Faith
Seren
Elias:
Ipinasasabi ni Tiara na sobrang nagustuhan niya 'yong regalo mong ribbon. 😁Seren:
Totoo ba? No joke? 😭Wala kasi akong maisip na ibang ireregalo. Alam kong puro laruan ang matatanggap niya kaya I decided na ribbon na lang din. I'm glad she likes it!
Elias:
Seryoso, halos araw-araw na raw nakasuot na ribbon sabi ni Mama. 😂Seren:
Her coquette era is coming! 😂Elias:
😂😂😂Puwede ba tayo magkita bukas? 😅
Seren:
Ay, sabay ganoon. 😭Where are we going?
Elias:
Balak kong ipa-anti rabies vaccine si Gabi, isabay na rin natin sana si Dilim. Ayos lang?Seren:
Sure. I'll message you na lang tomorrow kasi may lakad din kami ng mga kaibigan ko ng hapon. Is that okay?Elias:
Walang problema. 🫰-
"Ang ganda natin today, ah! Ilang linggo lang tayong hindi tayo nagkita-kita, ganyan agad ka-blooming. What's your blush, vebs?" Viviana asked the next day.
Hindi ko inakalang hitsura ko agad ang una niyang mapapansin sa akin but I can't blame her, I felt so pretty today. I put on a flirtatious smile on my face. "Ano ka ba. Itinatatanong pa ba 'yan?"
We were at an outdoor coffee shop. According to my friends, it just had celebrated its grand opening last week kaya kapansin-pansin na halos lahat ng table ay occupied. So, here we were, hindi iyon palalagpasin at ready nang husgahan ang drinks nila. I found myself mesmerized with the view in front of us; tanaw namin ang isang maliit na lake at ang sarap din ng dampi ng simoy ng hangin sa balat.
"Sa wakas, dumating din ang late. We thought you wouldn't make it," salubong sa akin ni Thalia. May hawak itong isang libro.
"Puwede ba 'yon? Miss na miss ko na nga kayo." Isa-isa ko sila bineso. I felt good to be with my friends again after the graduation. Marami akong dalang kuwento para sa kanila.
"Sus, puro ka na lang kasi si Elias," ganti ni Anais habang hawak ang phone niya, halatang katatapos niya lang picture-an ang drinks sa lamesa at nag-a-upload na sa story niya.
"Hoy, hindi ah," depense ko pero hindi magawang itago ang ngiti.
"'Yong dating hindi active sa Instagram. Na-in love lang, araw-araw nang may story," dugsong pa niya at maloko ako ningitian.
"Of course. Ganoon talaga kapag may tina-target!"
"I-close friends mo na lang dapat kay Elias. Nauumay na ako, eh."
Pinanglisikan ko siya ng mga mata. "Now you know the feeling na nakakaumay rin mga story mo!" Natawa silang lahat doon.
Her lips parted, parang bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "OMG ka! At least, aesthetic ako!" She then flipped her hair.
"Block ka sa akin mamaya," I joked.
My friends were all here, kararating ko lang and for the first time, I'm 35 minutes late. Sinisigurado ko kasing pulido ang makeup ko para hindi na ako mag-abalang mag-retouch pa mamaya and I'm glad napuna iyon agad ni Viviana. I hadn't brought any makeup products with me, just a lip tint and powder. Nai-serve na rin ang mga drinks namin. I told my friends to order while they waited for me, hiningi na lang nila sa akin kung ano ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
what if we happened
Teen Fiction"If I had confessed my feelings to him, would there have been a possibility for us?" - Seren - Date Started: June 25, 2024 Date Finished: