2. I Love Makeup

407 8 3
                                    

Chapter 2: I Love Makeup

Seren

Inis na inis ako kay Vivana. Badtrip. Ang lakas ng topak!

I couldn't help but inject a touch of sarcasm as I turned to her and said, "Alam mo ba, Vivana, you're absolutely my top favorite friend in the whole wide world! As in! Ang ganda ng ugali mo!" The words dripped with irony. Naglalakad na kami ngayon palabas ng auditorium at mamaya ay maghihiway-hiwalayan na rin. The film showing is over, and it was time to head home.

Nagkuwari siyang na-touch sa sinabi kong iyon. "How sweet! I know you're super grateful to have me as a friend, pero huwag mo namang masyadong ibulgar at baka malaman nitong dalawang may favoritism ka," she answered despite of my sharp gaze.

I smiled at her in a mocking way. "Oh, yes, you're right. Grateful ako sa iyo! Sa sobrang grateful ko nga, gustong-gusto na kitang kalbuhin pero nagpipigil lang ako. Sige, push me. Nangangati na 'tong mga kamay ko," madidiin kong sabi habang ipinakita sa kaniya 'yong kamay kong nagpipigil.

Hindi siya natinag, she even afford to laugh. "Galit na galit, teh? Bring it on! Patayin mo na ako ngayon! Para maging headline sa balita na pinatay mo ang kaibigan mo dahil ibinubugaw ka lang sa crush niya!" She opened her arms as if daring me to attack. "Ang babaw!"

I rolled my eyes. "Nakakatawa." I laughed but it's humorless.

"You're welcome, vebs!"

I glared at her as I raised my middle finger. "Tang*na ka," I scolded.

"Baliw! Ikaw na nga ang tinutulungan diyan, eh. If it weren't for me, you wouldn't know if Elias is single or taken, so kailangan mo talagang magpasalamat! Hello? Mabuti nga, may kaibigan kang malakas ang loob at makapal ang mukha!" Mabuti na lang hindi napapatingin sa amin 'yong ibang estudyanteng nakasasabay naming umalis, masyado kasing halimaw boses nitong ni Viviana.

I clenched my jaw. "Oo, thank you sa pamamahiya mo sa akin. Hayop ka!" I snapped back. Kapag naaalala ko 'yong hitsura ko roon sa loob ng auditorium, kahihiyan lang talaga ang nararamdaman ko. Bakit kasi may kaibigan akong hindi tinatablan ng hiya sa katawan?

"Hoy! For your information, I never mentioned anyone's name, it's just that you're over reacting at that moment! Malamang, mahahalata nilang ikaw 'yon," she argued that shut me up. She had a point there. Dapat pala nag-act normal na lang ako at hindi halos magtago sa kinauupuan ko kanina. "Oh, natameme ka ngayon. Tang*na ka rin, eh. Bahala ka diyan."

Thalia nudged me. "Pero totoo ba? Do you have a crush on Elias? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?" she asked, smiling. "Ikaw, ah. Dayo ka pa sa HUMSS."

My shoulder fell off. "Talagang maniniwala ka sa dalawang baluga na iyan? Of course, not! I barely even know that guy! I just saw him for the first time today," I answered frustratedly. They were ganging up on me.

"Deny all you want, kitang-kita naman na poging-pogi ka kay Elias," singit ni Anais habang nakatutok pa rin ang mga mata sa phone niya, kanina pa siya tahimik. Malamang, kausap niya 'yong bestfriend niya na halata namang may something sa kanilang dalawa.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Manahimik ka!"

"True!" Viviana agreed. "Your eyes give it away, Seren. Love at first sight, real na real. Wow, naranasan mo 'yon?"

Kumunot lalo ang noo ko. "You guys are so into this! Napaka-issue niyo!" I said, getting so fed up.

"Ay, kami pa ang ma-issue? My gosh," Anais said, finally looking up from her phone. "Vebs, it's perfectly fine to develop feelings for someone, you know? Hindi kabawasan sa pagiging astig at babae mo 'yon. Having a crush is a natural part of life! Hello? It's a human experience! Ang pogi na nga no'ng tao, aarte ka pa ba? Kung magpapakabaliw ka na lang din naman, kay Elias na!"

what if we happenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon