CHAPTER TWO

73 5 2
                                    

Seven’s POV

"Salamat sa paghatid mo sakin dito sa bahay baka gusto mo munang pumasok?"  alok ko kay Rubioz.

"Naku wag na nakakahiya naman. Sige bukas na lang uli sa School."

"Ha? Teka may practice game uli kayo? Aba Rubioz baka magkatonsilitis ako kakacheer nyan sayo ha."  namewang ako.

Tumawa naman siya. "Wala kaming laro bukas. Salamat nga pala kasi pumunta ka para magcheer sa akin kahit talo naman."

"Okay lang yon. Bawi ka na lang next time."

"O Sige na. Bye."  paalam ni Rubioz. Pareho sila ni Daddy ng Motor napangiti na lamang ako. Pagharap ko sa gate nagulat ako kasi si Daddy nakatayo at nakabungisngis .

"MOMMY MAY DALAGA NA—."  naputol ang sasabihin ng Daddy kong makulit nang dambahin ko ito para takpan ang bibig. Natatawa lang si Dad kahit kailan talaga mas makulit sakin ang Daddy ko! Kabaliktaran siya ng Papa ko na napakaseryoso sa buhay pero mabait naman kaso si Daddy ang mahal ni Mommy.

"Nakakahiya sa mga kapitbahay Daddy!"  bulong ko.

Inalis ni Dad ang kamay ko saka siya tumawa ng tumawa. "Bakit naman ako mahihiya? Proud Daddy ako at siguradong matutuwa din ang Papa mo!"

"Si Papa? Naku Dad wag nyong sabihin sa kanya na—."

Bumungisngis si Daddy.  "Oooopppss my bad kanina kasing andito pa si Pogi e tinawagan ko na si Seb at alam mo bang tuwang-tuwa siya! Kaya kahit manapak ka daw uli okay lang daw. O diba boto si Papa mo at ako na Daddy mo. Si Mommy na lang ang wala pang boto!"

Inirapan ko ng mata si Dad ang kulit niya talaga saka ako dali-daling naglakad papasok ng bahay.

Humalik ako kay Mommy pagkakita ko sa kanya sa kusina na nagluluto.

"Bihis lang po ako tapos tulungan ko kayo dyan."

"Okay nga pala ang gwapo nun ah!"

Napanganga ako. "Mommy? Even you?"

Tumingin sa akin si Mommy. "Alam mo Anak ako 17 ako nung naging crush ko ang Daddy mo so I think na walang masama kung magkaka-crush ka din at hinatid ka pa niya dito sa bahay! Kinikilig ako naaalala ko tuloy yung dati—."

"Mommy! Stop! Hindi ko siya crush at wala akong crush at hindi ako tomboy okay! Ayoko lang I mean nothing's special so no need to be so much happy about a simple things like lovelife. Please I'm sick of it."  sabay talikod ko saka ako umakyat ng kwarto ko.

***

Ang aga-agang kumatok ni Winter sa pinto ng kuwarto ko.   "Ate! Gising na andyan na ang sundo mo! Sabi ni Daddy gisingin ka na daw e."

Bumangon ako saka umunat ang aga pa ah.    "Andyan na ba agad ang School service natin?"

Bumungisngis lang si Winter.  "Wala pa nga pero yung sundo mo andyan na!"

"Anong sundo ba Winter? Mamamatay na ba ako? Bakit hindi ko ata alam?"  kakamot-kamot ako sa maiksi kong buhok kaya siguro ako pinagkakamalang tomboy.

Naglakad na ito papunta sa pinto.  "Si Kuya Pogi andun siya sa Sala kausap ni Daddy. Baba ka na." 

Saka sita lumabas ng kwarto ko. Kuya Pogi? Bigla akong napatayo ng maisip ko si Rubioz! Naku bakit siya andito sa bahay namin?

Inayos ko muna ang kama ko bago ako nagtungo sa banyo para maghilamos at magtootbrush na rin saka ako lumabas ng kwarto.

Naabutan kong nagtatawanan si Daddy at si Rubioz. Napatingin sa akin si Rubioz kaya nilingon ako ni Dad.

"O. Gising na pala ang sleeping beauty ko.".  sabay tayo ni Dad at nagtungo sa kusina para tulungan si Mommy na maghanda nang Almusal.

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon