CHAPTER ONE

227 9 9
                                    

Seven's POV

"O Basta wag kayong magsusumbong na may sinapak ako ha. Just keep it as a secret. Okay Bros?"  Sabay taas ko ng hinliliit ko para isilyado ang sekreto naming tatlo. Nagtaas din ng mga daliri nila ang kambal.

"Secret natin. Ate."  Bulong ni Hunter. Tumawa lang si Winter.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Daddy. Nakangiti siya pero parang may alam na siya.

"Twins can you leave us alone. Me and your Ate will going to have a long conversation so please."  Tumayo ang kambal saka isinara ang pinto ng kwarto ko.

Umupo si Dad sa maliit na couch.  "Well. May tumawag sa Office ko sabi may sinapak ka daw? Totoo ba?"

Tumango ako. 

Tumayo uli si Daddy.  "Okay. Tinawagan ko si Papa mo para siya na ang gumamot doon sa nasapak mo."  

Saka ito humakbang papuntang pinto para lumabas. Natigilan ito ng tawagin ko.

"Are you not mad at me?"  Kabadong tanong ko.

Ngumiti si Daddy.  "I know you did that for some reason. You're my kid that's why I know you better than others. Okay. Tulungan mo na lang si Mommy mo magluto. Love you Anak."

"Love you too. Daddy."  Saka ito lumabas ng kuwarto ang swerte ko kasi mabait ang Daddy ko at ang Papa ko.

Inayos ko muna ang mga gamit ko saka ako bumaba para tulungan si Mommy. Si Hunter ang naghanda ng hapag habang si Winter naman ang maghuhugas ng mga pinggan pagkatapos namin kumain. Ayaw kasi ni Mommy ng may kasambahay kasi wala naman daw siyang gagawin maghapon eh kaya tulong-tulong kami sa bawat gawain sa bahay.

Nakaupo na kami lahat sa hapag ng magsalita si Dad.  "Bukas pupunta ako ng School nyo kakausapin daw ako ng Principal tungkol sa nangyari."

"Dad. Sorry po."  Singit ko umiling lang ito.

"No need to say it again Seven. Wag kang matakot. Abogado si Daddy diba. Cheer up. Tama lang yon para magtatanda sila."

"Peter!"  Saway ni Mommy kay Daddy.

"Nagalit si Mommy."  Sambit ni Daddy kaya natawa ang kambal.

"Kumain na mga Anak. Ang mahuli bawal manood ng T.V pagkatapos kumain."   Nagtawanan na lamang kami.

Grabeng Marco yon kalalakeng tao sumbungero! Kala niya sasapakin ko  uli siya!

***

Hinatid kami ni Daddy sa Hamilton International School. Tahimik lang ako at ang kambal. Kumakanta pa si Dad habang naglalakad kami papuntang Principals Office. Binati kami ng Secretary saka niya kami pinapasok sa loob ng Opisina ng Principal andun na si Marco kasama ang Daddy niya at Mommy niya.

Pinagmasdan ko si Marco at masaya ako sa kinalabasan ng ginawa ko kasi talagang pumutok ang nguso niya. Ang kapal kasi ng face niyang igaya ako sa mga kilala niyang babae. Natawa ako kaya natawa din si Hunter at Winter. Sinimangutan naman ako ni Marco. So care ko!

"Ummm kids. Stop laughing okay." Saway ni Daddy saka siya umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa  Principal namin.

"Mr. Daez. Pinatawag po namin kayo kasi ito pong anak niyong si Seven e nakagawa po ng kasalanan at bilang Principal po nararapat lamang ho na patawan ko siya ng parusa."

      "Wait. Miss or Mrs. Principal." Tinaas ni Dad ang kanang kamay niya.  "You're going to punish my Daughter without any Trial? Do you know that we also have a law against Sexual Harassment?"  Pag-uumpisa ni Dad lagot ka na Marco magaling na Abogado ang Daddy ko!

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon