CHAPTER THREE

53 4 3
                                    

Seven’s POV

"Daddy naman e ayoko pong suotin yan nakakahiya!"  tukoy ko sa Red bikini na si Papa ko pa daw ang bumili para sa aki. hay naku nakakaasar naman sila pati si Mommy gusto nilang magsuot ako nito.

"Sige na my sweet Seven ito na ang isuot mo."  may pa-beautiful eyes pa talaga si Daddy.   "Tapos gusto ko may picture kang suot mo yan ha!"

Tumingin ako kay Mommy.  "Well Seven approved ako sa gusto ng Daddy at Papa mo saka maganda yata ang Anak ko! Manang-mana sa akin diba Peter."

Bumungisngis si Daddy saka niyakap si Mommy.  "Gusto mo sundan na natin yung kambal. Mommy?"

"DADDY NAMAN EH!!! TALAGANG SA HARAP KO PA PO KAYO LUMALANDI KAY MOMMY NAKAKADIRI PO KAYO!!!!".  maktol ko.

Tatawa-tawa lang silang dalawa.  "Okay! So Mommy tara sa kwarto magkuwentuhan tayo dali!"  sabay hila ni Daddy sige lang ang tawa ni Mommy.

Naiiling na lamang ako konsumisyon si Daddy at si Papa! O Sige isusuot ko ‘to pero hindi ko to ipapakita! Bakit may Resort naman na pwede naka short at tshirts ah.

Bumaba na din ako ng hagdan pagkabihis ko naka-short ako na hanggang tuhod ang haba at t-shirt na Hawaiian ang design. Aba at pareho kami ni Rubioz ng damit ah. Hawaiian shirt yung kanya na kulay blue habang akin naman ay kulay Pink! Pareho din kaming naka-short at nakarsinelas. Nagkatawanan na lamang kaming dalawa what a coincidence.

Paalis na kami ni Rubioz ng magtanong si Winter.

"Ate. Asan si Mommy?"

Bigla akong naka-isip nang kalokohan.

"Naku asa kwarto sila kapag kumatok kayo sipain nyo yung pinto para pagbuksan agad kayo ni Daddy ha" ang ganda pa ng pagkakangiti ko siguradong postponed ang plano nilang Baby project ang galing ko talaga!

"Okay ate! Tara Hunter! Sipain na natin yung pinto nila Daddy."  saka sila parehong tumakbo sa taas.

"Naku. Halika na Rubioz bilis!!!!" nagtatatakbo din kami palabas ng bahay hila-hila ko siya papuntang motor niya nang marinig ko si Daddy na pasigaw akong tinawag.

"Start mo na Rubioz baka kalbuhin pa ako ni Daddy! Dali!"  tili ko tawa kami ng tawa hindi na kasi nakahabol si Daddy. Kumaway na lang ako sa kanya hindi naman siya galit sadyang makulit lang talaga ang Daddy gaya nung bata pa ako ngunit minsan napaka-iyakin din sobra.

***
Marco’s POV

"Hey andito na yung inaantay natin at mukhang pareho pa sila ng damit ha."  sambit ni Mike.

"Uy! Tignan nyo oh naka-couples shirt sila o diba."  dagdag pa ni Jack.

Natahimik kami ng pumanhik na sila sa loob ng Bus at umupo sa dalawahan lamang si Rubioz pa talaga ang nagdala ng bag ni Seven hindi ko maialis ang tingin ko kay Seven kakaiba kasi ang dating niya lalo at hindi maiksing short ang suot-suot niya at hindi din fitted na t-shirt.

"Okay! Mukhang andito na lahat. So aalis na tayo." pagbibigay alam ni Coach.

Sumandal na lamang ako sa kinauupuan ko ako lang mag-isa sa pwesto ko umupo si Eva kanina kaso pinaalis ko ayokong may katabi kundi bag ko lang. Apat na upuan lang ang pagitan namin kaya kitang kita ko nung sumandal si Seven sa balikat ni Rubioz. Sh*t!

Naalala ko bigla ang mga ginawa kong Origami ibibigay ko nga pala iyon sa kanya. Tumayo ako saka ko kinuha sa bulsa ng bag ko ang sampung pirasong Origami na iba’t-iba ang kulay kumapit ako para makabalanse habang naandar ang Bus namin.

"Rubioz pare excuse lang saglit ha.". sabay pa silang napatingin sa akin.

Inilahad ko ang mga hawak kong Origami. Iba't-iba ang disenyong ginawa ko para marami siyang pamimilian.  "Para sayo. Seven."

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon