CHAPTER SEVENTEEN

48 4 3
                                    

Nasa labas na ako ng gate ng Bahay ni Marco. Inaantay ko ang Grab na kinontak ko. Ayokong magpasundo sa Driver namin dahil ayokong malaman ni Dad na nagkakalabuan kami ng Asawa ko.

         Asawa? Bahagya akong natawa sa sarili ko. Hanggang papel lang yon... para sa Bata kaya niya ako pinakasalan ngayong wala na ang Bata ibig sabihin wala na din akong halaga ramdam ko naman e. Hindi ko makalimutan ang Araw na lumuhod ako sa harap ni Seven para lang ipaubaya niya sa akin si Marco... uulitin ko na naman ba yon? Masyado nang nakakababa ng pagkatao na nanlilimos ako ng konteng pagmamahal sa kanya. Napahagulhol ako ng iyak.

       "Abi. Pwede ba tayong mag-usap muna."  humabol pala sa akin si Marco.

       Umiling ako. Ayoko nang marinig pa ang boses niya masmasasaktan lang ako e.

       "Abi?"  tawag uli ni Marco.

       "P-pinapalaya na kita. Ayaw mo pa ba non? A-alam ko naman na pinakasalan mo lang ako dahil sa nabuntis mo ako diba. Alam mo Marco yung Limang taon na yon na binigay ko sayo---totoo yon e ang saya saya ko pe-pero hindi kita sinisisi. Nagkataon lang siguro talaga na kapag nagmamahal ka nagiging kang t*nga na kahit ramdam ko na pinagwawalang bahala ko na lang--- Marco i-ikaw ang una ko at alam mo yan lahat ng kaya kong ibigay binigay ko na. Pero sa pagkakataong ito parang tingin ko tama na muna..."

        "Abi."   humakbang siya palapit sa akin saka ako niyakap. Napapikit ako. Ito Yung yakap niya sakin noong mahal na mahal pa niya ako dahil hindi pa siya nakakaalala.

         Bahagya ko siyang tinulak. Umiling ako. Tingin ko ayaw lang ni Marco na umalis ako dahil hindi siya sigurado kung babalikan pa siya ni Seven.

         Umagos na naman ang mga luha ko. "Marco.... sawa na akong maging panakip butas. Alam ko kung sino ang laman niyan."  turo ko sa puso niya.

        May humintong itim na sasakyan ito na ata ang Grab na kinontak ko. Nagbaba ito ng bintana.

       "Miss Abigail Delfranco?". tanong nito.

       "Opo ako nga po."  magalang kong sagot medyo nagtaka pa ito dahil luhaan pa ako kaya pinunasan ko na muna ang mukha ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

        "Abi."  pigil sa akin ni Marco.

        Ngumiti ako sa kanya. "Hanapin mo muna ang sarili mo. Palalayain kita kahit napaka sakit. Bye---"

         Tuluyan ko ng sinara ang pinto saka umandar ang sinasakyan kong Kotse. Nilingon ko si Marco. Nakatanaw lamang siya habang papalayo ng papalayo ang sinasakyan ko.

        "Sa Wanda's Resort po tayo Kuya."  Kilala ko ang may-ari non. Si Lucho Salvatore Isa siya sa Circle of friends ko.

        "Okay po."  sagot ni Kuya Driver.

Nagkuyom ang mga kamao ko. Wala na! Sira na talaga ang Buhay ko! Lahat ng ito dahil sa kasinungalingan ng tunay kong Ama!

         Pabagsak kong isinara ang gate. Saka ako naglakad tungo sa loob ng Bahay. Naroon si Kuya Mark--- ay Dad Pala este Papa? Bw*sit! Bahala na kung ano pa siya sinira lang niya ang Buhay ko!

         "Masaya na ho ba kayo!?"  malakas kong tanong dito nang makita ko itong tahimik na naka-upo sa Sala at malalim na nag-iisip.

        Tumayo ito.  "Marco----"

        "Tumahimik ka na MARK! Ni hindi kita kilala! Kuya kita nung nagka-isip ako tapos nung nawalan ako ng alaala naging Ama na kita! Ni hindi ko nga alam kung anong itatawag ko sayo! Alam mo ba kung ano!? SINIRA MO ANG BUHAY KO! MASAYA KA NA BA!?"

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon