CHAPTER EIGHTEEN

54 5 1
                                    

Dalawang araw nang tulog si Quiros. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na gigising pa siya para makita ang Bagong Bahay namin doon kami titira pagkatapos naming maikasal kasama namin si Tita Agnes.

         "Ros. Nakahanda na ang lahat.-meron na akong Wedding Gown at may Tuxedo ka na rin. Paggising mo ikakasal na tayong dalawa at bubuo na tayo nang Pamilya natin. Diba yon yung gusto mo tapos aalagaan kita pangako ko yan sayo."  para akong t*nga na kinakausap siya habang tulog. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ang Promise Bracelet na ginawa ko para sa kanya.

        "Mag-aantay ako kung kelan ka gigising. Mahal kita."  ginawaran ko ito ng masuyong halik sa pisnge.

         Pinagmasdan ko ang Krus na nasa uluhan ni Quiros. Hihiling ako ng Isang himala. Kahit sinong makarinig sana pagbigyan nyo ang hiling ko na dugtungan man lang ang Buhay ni Quiros. Maawa po kayo sa akin. Mahal ko po siya.

         Bahagya akong humiga sa tabi ni Quiros ganito lage ang ginagawa ko para hindi niya maramdamang mag-isa lang siya.

        Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

       Napabalikwas ako ng bangon. Nasaang Lugar na ako? Katabi ko pa rin si Quiros pero bakit parang mausok ang loob ng Kuwarto?

        Nagulat ako nang may nagsalita.

        "Ego audium clamorem tuum."
        ( I hear your cry. ) 

         Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon pero wala akong makita puro hamog lang.

         "Deus tuus non det votum tuum sed ego te audio. Dolorem tuum sentio. Scio Quantum amas eum."   ( Your God may not not grant your wish but I hear you. I feel your pain I know how much you love him. )

         "S-sino ka?"  niyakap ko ang katawan ni Quiros. Kinakabahan na ako. Lalo ng may imahe ang unti unting nabuo Mula sa makapal na hamog. Napailing ako sa takot.

           Isang Demonyo!

Mahigpit akong napahawak sa katawan ni Quiros. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi ng Demonyong kaharap ko ngayon.

          "Ako si Belphegor."  pinagmasdan nito si Quiros.   "Gusto mo nang himala diba? Isang himala lang ang makakapagdugtong nang Buhay ng Isang kagaya mong Mortal."

        "Lumayo ka Demonyo!"  sigaw ko.

        Ngumiti ito.  "May pangalan ako Mortal. Akala ko ba nahingi ka ng himala sa kahit na sino. Alam mo bang Hindi ka niya pakikinggan dahil nakatadhana ng mamatay ang lalakeng Yan."  turo nito kay Quiros.

         Nanatili akong walang imik. Alam kong hindi siya totoo.

         "Sige ganito na lang. Kung gusto mo ng himala Mula sa akin magsindi ka nang kandila. Tawagin mo ako at dadating ako."

         Yun lang at naglaho na ito.

        Paglingon ko kay Quiros saktong nagdilat ako ng mga mata ko naroon na si Daddy at tinatapik tapik ako. Panaginip? Pero parang totoo? Napatitig ako kay Daddy.

         "Anak? Ayos ka lang?"  may pag-aalalang tanong nito. Tumango lamang ako. Alam kong walang maniniwala sa akin dahil Isa lamang iyong panaginip.

         "Eto kumain ka na muna. Ako na muna ang bantay ni Quiros.". binigay sa akin ni Daddy ang dala niyang Tupperware saka ako umupo sa maliit na mesa sa gilid ng Kuwarto ni Quiros.

         Ang tagal kong tinitigan ang Promise Bracelet na nasa palapulsuhan ko. Isang himala lang ang pwedeng magduktong nang Buhay niya.

           Pero himala galing sa Diyos ang hinihiling ko. Hindi galing sa Demonyo. Tahimik akong kumain. Aantayin kong gumising si Quiros. Magiging maayos din ang lahat. Hindi ako hihiling sa isang Demonyo.

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon