CHAPTER TWENTY

59 6 0
                                    

Isang Linggo na din simula ang Operahan si Quiros. Tulog pa din siya pero naniniwala akong gigising siya dahil yon sa may kasunduan kami ng nilalang na yon.

         Kinuha ko ang gitarang dala ni Daddy saka ako nag-umpisang kumanta. Tinugtog ko ang paborito ni Mommy. Amazed by Lonestar.

🎶Everytime our eyes met
This feeling inside me
Is almost more than I can take🎶

        Ito yung kantang kinanta ni Daddy sa Facebook live madaming nanood at isa kami nila Lolo at Lola sa mga nanood non. Talagang ipinakita ni Dad kung gaano niya kamahal si Mommy. Araw ng Kasal ni Mommy at ni Tito Oscar at hindi invited si Daddy kaya nag-live na lang siya para sa huling pagkakataon masabi niya kay Mommy kung gaano niya ito kamahal. Umiyak ako nung ending na kasi akala ko talagang si Tito Oscar ang pipiliin ni Mommy. Pero Nung bumukas ang pinto ng Simbahan tumakbo si Mommy kasama ni Tito Zach at sumakay sa Motor saka mabilis na umalis. Ang saya ko non! Kasi si Daddy Peter ang gusto kong maging Tatay hanggang sa makilala ko si Papa Nung nagdadalang tao na si Mommy sa kambal.

         Naudlot ang pagmumuni muni ko habang nakanta ng gumalaw ang kamay ni Quiros. Nabitawan ko ang gitara.

        "Ros? I-it's me Seven. Can you hear me?". hawak ko sa kamay nito.

        "Ummm.....". ungol nito.

        "Ros?". nakatitig ako sa kanya inaabangan kong magmulat siya ng mga mata.

         "Ummm....". ungol uli nito. Bumukas ang bibig nito.  "S-Sev?" 

         Napaiyak ako. Tinawag niya ako in his husky voice.  "Yes it's me! You're awake now! Thank you God!"

          Marahang iminulat ni Quiros ang kanyang mga mata. Ilang beses pa siyang pumikit pikit mag-a-adjust Kasi sa liwanag ang mga mata niya.

          Ngumiti ito na parang walang nangyari.  "Sev. My sweet Seven."  sabay haplos nito sa mukha ko.  "I love you. Will you marry me?"

         Natawa ako sa bungad niya. Pero tumango pa rin ako saka ko siya hinagkan sa noo.

        "You sure? I don't have a ring yet but I'll buy soon."  nakangiting tanong uli nito.

        "Yes. I am. Wait I will call them they are just outside. J-just wait."

        "Okay."

        Iniwan ko muna siya saglit para ipaalam kina Tita Agnes at Tito Mark na gising na si Quiros.

          "Quiros!". yumakap si Tita sa Anak.

          Nawala ang ngiti ni Quiros ng makita niya si Tito Mark.

          "Who is he?". tipid nitong tanong.

          Bumaling si Tita Agnes kay Tito Mark at sinenyasan itong lumapit.

         "Quiros. I want you to meet your Biological Father Mark Fabian."  pagpapakilala dito ni Tita Agnes.

          Pinagmasdan ni Quiros si Tito Mark saka ngumiti.  Pigil hininga naman si Tito Mark. Siguro abot abot ang dasal nito na sana matanggap at mapatawad siya ng Anak.

         "You're Handsome just like me."   nakangiting sagot ni Quiros.

         Bumukas ang pinto. Si Abi at si Marco may dala silang Jollibee pareho pa silang natigilan ng makitang gising na si Quiros.

        "He looks exactly just like me. Is he my Older twin brother?"  tuloy nito kay Marco.

        Kinuha ni Abi ang bitbit na paper bag nang Mister niya para makalapit ito sa kapatid.

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon