CHAPTER FOURTEEN

45 4 0
                                    

Nasa America pala si Seven. May Boyfriend na siya? Naihagis ko ang cellphone ko sa pader. Pagbagsak non sa sahig basag ang screen.

        "Babe! Bakit? Ano yong narinig kong inggay?"  nagmamadaling sumilip si Abigail sa pinto ng Kuwarto namin.

        Pinagmasdan ko ito ng mabuti mula ulo hanggang paa. Talagang si Seven ang nasa isip ko. Sino ang lalakeng yon? Ang swerte niya pero kapag sinaktan niya si Seven buburahin ko sa suntok ang pagmumukha niya.

         "Babe. Pasyal naman tayo."  paglalambing ni Abigail. Ewan pero nawalan ako ng gana sa kanya simula ng makunan siya. Kaya ko siya pinakasalan dahil dinadala niya ang Anak ko at yung batang yon ang dahilan kung bakit hindi ako pinaglaban ni Seven.

         "Abi. Sa ibang araw na lang please. Wala ako sa mood."

         "Pero. Marco. Nakalimutan mo na bang Birthday ko ngayon."  mahinang sagot ni Abi.

         Alam kong nagtatampo siya. Kinabig ko ito at niyakap. Kahit pano Asawa ko pa din siya. Yumuko lamang siya at sumandal sa dibdib ko.

        "Okay. Saan mo gusto? Sorry medyo lutang lang ako."

        Tumango ito. "G-gusto kong dalawin ang Baby natin. Pwede ba yon. Marco."

        Napabuntong hininga ako.

        "Sige. Maliligo lang ako."

        Tumayo na ako at naglakad patungong banyo.

        "Marco. Siya pa din ba?"

        Napahinto ako sa tanong na yon ni Abi. Nilingon ko ito saka ako bumuntong hininga.

        "Wag mo na lang itanong kung alam mong masasaktan ka lang. Asawa kita at kasal tayo. Makontento ka na kung anong meron tayong dalawa."  saka ako pumasok sa loob ng Banyo.

        Alam kong umiiyak siya ngayon pero yon ang totoo at alam niya yon.  Maaaring mahal ko nga si Seven pero hindi na magiging kami kahit kelan. Kahit pa ipilit ko alam kong wala nang mangyayari pa. Maraming masasaktan kung ipaglalaban ko pa ang nararamdaman ko. Bahala na.

Minulat ko ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko bukod doon dim light kasi ang ilaw ng Kuwartong kinalalagyan ko.

       May naaninag akong lalake.

       "M-Marco?". mahinang sambit ko.

        Saka ko naisip na nasa America nga pala ako. Pinikit pikit ko uli ang mga mata ko. At malinaw kong naaninag ang mukha nito.

        "Quiros?"

        Nakangiti ito sa akin.  "Yup! By the way who is Marco?"

        Nagkatinginan kami. Parang may dumaang Anghel. Natahimik kaming pareho.

       "Is he--- ummm--- your Boyfriend or what?". nakangiti pa ring tanong ni Quiros.

       Humiga ito sa tabi ko saka nito inayos ang kumot na itinakip niya sa katawan ko.

       "You faint after seeing his name. Why? He is important or do you and him--- have unfinished business? Or what?". naguguluhang tanong nito.

        Nagbaba ako ng tingin saka ako yumakap sa kanya. Bakit hindi ko  magawang kalimutan ang taong yon. Umiyak ako habang yakap ko si Quiros. Dinig na dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Baka galit siya o baka makikipag-break na siya sa akin.

        "Do you want to come with me?". tanong nito.

        Humikbi muna ako bago sumagot. "Where? Are you going to leave me?"

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon