CHAPTER TEN

49 5 0
                                    

"Babe Wala ka bang balak lumabas ngayon?  It's Sunday diba. Ayaw mo bang mamasyal?". tanong sa akin ni Abigail.

       Umiling ako. Wala ako sa mood para mamasyal. Masgusto ko munang andito lang. Mamaya uuwi na din ako sa Condo ko.

        "Okay. Sige. Ako na lang. So dito ka lang talaga. Babe."  pangungulit nito.

        "Uuwi din ako mamaya. Wala kasi akong ganang gumala ngayon Gail.". walang kabuhay buhay kong sagot.

         "Okay. Pupunta ako sa Ospital Kasi lately nakaramdam ako ng pagkahilo eh. Tapos dederetso ako sa bahay ni Daddy."

         "Okay. Ihahatid pa ba kita?". tanong ko kay Abigail.

         "No. Kaya ko na."

         "Okay."

NAKAUPO LAMANG AKO SA SALA malayo ang tingin ko. Binuksan ko ang Radyo. Saktong may kumakanta nang Artist SB19 Hanggang sa Huli.

        Napapikit ako nang mata Ng magsimula na ito.

Sa tuwing puso'y nag-iisa...
Mayroong himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala...
Di na dapat tumitig pa sayong mga mata...
Ngayon, Ikaw na lang ang nakikita...

Ang alaala mo'y tila bago...
Sa panaginip ko'y naroon ka...

        Bigla akong may naalala habang nakapikit ako... Unti unti lumulinaw yung mukha ng babaeng umiiyak... rinig na rinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko.

        'Marco! Marco!'  paulit ulit nitong tawag  sa pangalan ko... pumatak ang luha ko nang makilala ko kung sino siya... at kung ano siya sa buhay ko. Kasabay ng Chorus ng kanta naisigaw ko ang pangalan niya.

       "SEVEN!!!"

At kahit pa ang Mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito...
Di man ako para sayo, puso'y di magbabago
Walang iba, walang iba, Wala nang hahanapin pa...
Pag-ibig ko'y sayo, sayo hanggang sa huli...

         Napahawak na lamang ako sa ulo ko habang pinakikinggan ang kanta. Bakit ngayong ko lang siya naalala... Bakit... Mahal ko si Seven... Kaso paano si Abigail? Marco ano na bang nangyari sayo bakit naging ganito.

🎶Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y Isang hangin na di mo nadarama...
Di na dapat tumitig pa sayong mga mata...
Pagka't Ikaw pa rin ang nakikita...🎶

🎶Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho...
Ngunit pag-ibig ko'y di nawala...🎶

🎶At kahit pa ang Mundo ay mag-iba ako'y laging nandirito
Di man ako para sayo, puso'y di magbabago...
Walang iba, walang iba, Wala nang hahanapin pa...
Pag-ibig ko'y sayo, sayo hanggang sa huli...🎶

🎶Kung pinagtagpo, tayong dalawa'y para sa isa't isa...
At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka...
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na....🎶

🎶Mahal kita...
Mahal kita...
Mahal kita..🎶.

        Tinapos ko ang kanta... Hindi ko alam kung anong gagawin. Bumalik lahat sa alaala ko ang tungkol kay Seven. Limang taon ko siyang nakalimutan. Kaya pala Ganon na lamang kung makatitig siya sa akin.

        "Seven..."

        Nagpasya na akong umuwe sa Condo ko. At nagpasya na din ako na bukas makikipaghiwalay ako kay Abegail. Bahala na kung magalit siya pero lahat nang Meron kami e kasinungalingan lang dahil si Seven lang ang gusto ko simula't simula pa lang.

        Good luck sa sarili ko. Matanda ka na kaya dapat ayusin mo na ang Buhay mo. Itatama ko ang limang taong nawala sa alaala ko.

Gumawa ako nang maraming Origami na ibon at bulaklak... Naalala ko na noong bigyan ko siya ng Bulaklak na gawa sa papel. Naalala ko na kung paano ako naaksidente. Lahat lahat naalala ko na. Pati si Papa...o masnakilala kong Kuya Mark... saka ko na lamang siya haharapin sa ngayon si Seven ang importante. Excited na ako pumasok bukas. Limang taon din yon at namiss ko na talaga siya! May Boyfriend na kaya siya? Pero tingin ko wala Kasi tomboy yon eh sabay tawa ko habang nagawa.

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon