Seven's POV
Lumabas muna ako saglit dahil nag-ring ang cellphone ko si Mommy natawag.
"Yes po Mommy. Opo. Okay naman po ako. Ah si Marco po. Opo. Mabait po siya. Nagkamali lang po ako ng pagkakakilala sa kanya e. Okay po uuwi din po ako hindi po ako magpapa gabi. Opo. Sige. Mommy. Love you po."
Nilagay ko na sa Bag ang cellphone ko. Nagulat pa ako ng may nagsalita. Paglingon ko siya yung lalake kanina na nasa tabi ni Marco.
"Seven. Tama?" kunot noong tanong nito.
Napalunok laway ako. Mukha siyang galit. "Opo. Tama."
"Narinig ko ang usapan nyo ng Mommy mo mukha ka namang mabait na Anak at medyo kakaiba ka din sa ibang Babae."
"Po? Ano pong ibig nyong sabihin?"
Bahagya itong tumawa. "Para kang lalake kung kumilos at natural yon sayo kaya hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ni Marco. Kaya mo bang magtago ng sekreto?"
"Sekreto po?"
"Oo. Tungkol kay Marco."
"A-ano po ang tungkol sa kanya?"
Ngumiti ito. "Tama ka ng sinabi na mabait ang Anak ko."
"A-anak po? Ang alam ko po medyo may edad na po ang Daddy at Mommy ni Marco."
"Alam mo Seven marami kasing bagay ang talagang nakakapagtaka. 16 years old ako noong ipinanganak ni Agnes si Marco. 15 lang nun si Agnes at talagang napakabata pa namin. Ayaw sa kanya ng mga magulang ko dahil mahirap lang si Agnes... may nakatakda na kasi sa akin si Celina. Inilayo nila sa akin si Agnes at ganun din sana si Marco pero nagmakaawa ako dahil Anak ko siya at sa huli pinalabas na lang nila na Anak nila si Marco para daw iwas kahihiyan sa pamilya namin. Lumaki si Marco na kinikilala akong Kuya at masakit yon para sa akin dahil ako ang Ama niya… kaya yung nangyari sa kanya ngayon napakasakit nun na dahil lang sa isang babae na hindi niya karelasyon magiging Buhay pa niya ang kapalit. Nauunawaan mo ba ako. Seven."
Tumango lamang ako. Wala akong maisip na ipandepensa kasi may punto naman siya.
"Ingatan mo ang sekreto natin Seven at kung pwede lang WAG NA WAG KA NANG DIDIKIT KAY MARCO. Wala kang maidudulot na mabuti sa anak ko. Okay lang na magkita kayo sa School pero wag na wag mo siyang lalapitan. Kapag naulit pa ito. Ililipat ko ng Paaralan ang Anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo."
Marahan na lamang akong tumango.
"Makaalis ka na."
"P-pwede po ba akong magpaalam muna kay Marco."
"Hindi. Ako nang bahalang magdahilan. Hindi ka niya kailangan." saka ito tumalikod at naglakad papasok sa kwarto ng Anak.
Naintindihan ko naman lahat ng sinabi niya. Napahid ko bigla ang mga mata ko hindi ko kasi mapigilan ang hindi maiyak... Tama naman siya ako ang dahilan kaya nasa Ospital si Marco ngayon.
Nilingon ko muna ang saradong pinto ng kwarto ni Marco bago ako umalis.
"Sorry... Marco...". saka ako naglakad. Uuwi na ako siguro sa bahay ko na lang ilalabas lahat ng luha ko….
Nagbook ako ng Grab mga ilang minuto din akong nag-antay sa harap ng CRUORD Medical Hospital.
Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang nakakahiya kasi ang daming tao. May humintong Black Toyota Vios lumabas ang driver at nagtanong kung ako ba si Seven saka ako sumakay sa likod. Ang lalim ng iniisip ko para kasing ako ang sinisisi ng Papa ni Marco hindi ko naman ginustong magkaganun siya ah pero may point naman siya na ako ang dahilan kaya nasa Ospital si Marco. Pero hindi ko naman yon ginusto eh.
BINABASA MO ANG
My Sweet Seven
Romance"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patun...