After Five Long years....
"Babe! Babe! Gising nananaginip ka lang!" yugyog sa akin ni Abigail.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kumurap kurap pa ang mata ko gaya ng lagi kong napapanaginipan...pero malayong maging si Abigail ang babaeng umiiyak na yon habang sinisigaw ang pangalan ko.
"Hey sleepyhead time to wake up. Sorry kung pinagod kita kagabi ha...well I really misses you." malambing nitong saad habang nilalaro ng mga daliri nito ang buhok ko.
Maganda si Abigail at sexy. Yung tipong talagang hindi pakakawalan ng kahit na sinong lalake. Naging magkaibigan kami noong nasa College pa ako at nagkagustuhan kami at eto isang taon na kaming Engaged. Simula ng naging kami pagkagraduate namin sa Kumpanya na nila ako nagtrabaho.
"Marco bakit ganyan ka makatingin sa akin?". ngumisi ito. "don't tell me na gusto mo pa?" sabay halik nito sa mga labi ko.
Masaya naman ako sa relasyon namin ni Abigail. Medyo may mga konting di pagkakaunawaan pero nareresulbahan din naman. Pero parang may kulang... Parang may hinahanap ako na hindi ko makita. At sino yung babaeng yon?
"SEVEN! SUMABAY KA NA DAW SA Daddy mo para tipid ka na daw ng pamasahe mo pauwe!" dinig kong sigaw ni Mommy.
Medyo humaba na din ang buhok ko lagpas balikat lang hindi kasi ako pala ayos ng buhok kaya ayokonng masayadong mahaba. Naglagay ako ng konteng Lipstick kelangan daw yon sabi ni Daddy para daw magmukha akong maganda kahit walang make-up. Saka ko itinali ang buhok ko hindi kasi ako sanay ng nakalugay mainit kasi.
Bago ako lumabas ng kuwarto ko nagselfie muna ako nasa likuran ko ang bulaklak na binigay sa akin dati ni Marco habang nakasabit naman yung mga Origaming ibon. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan wala yung dalawa kasi may pasok sila pareho na silang College. Interior Designing Ang kinuha kong kurso kahit ayoko...Kasi si Marco mahilig siya sa Arts.
Tinignan ko ang kuha ko. Ayos kita ang mga bigay ni Marco! Pampaswerte! Saka ako dumeretso sa Kotse.
"Wow ang ganda nang panganay natin Mommy!" biro ni Daddy.
Humalik si Mommy sa noo ko. "Syempre mana sa akin!"
Natawa ako dahil no comment si Daddy. Kumindat lang siya kay Mommy. At kinikilig pang tumawa si Mommy.
"Yuck! Tama na nga Yan Daddy mali-late ako nyan e!". umatras na si Mommy nang umandar na ang Kotseng sinasakyan namin saka siya kumaway. Kita o sa rearview mirror nang isarado ni Mommy ang gate.
"Wag kang kakabahan Anak. Tandaan mo lang palagi na si-----"
"Batman ang bahala!" putol ko sa sasabihin ni Dad.
Nilingon niya ako sabay tawa. "Anak nga kita! Kabisado mo na si Daddy mo eh."
Napangiti na lamang ako. Kahit hindi niya ako kadugo ni minsan hindi ko naramdaman na iba ako sa mga kapatid ko. Si Papa ko naman mahal na mahal din niya ako. Ewan ko lang kung mag-asawa pa ba siya. Kasi ang pagkakaalaman ko si Mommy lang ang nag-iisang babaeng nagustuhan niya kaya nabuo ako.
Napalingon ako sa labas ng bintana. Kumusta na kaya si Marco. Simula ng ilabas siya sa Operating room hindi ko na siya nakita at saka inilipat na siya ng School ng Papa niya.... Naaalala din kaya niya ako? O baka naman may Girlfriend na siya? Hay Seven.... Gwapo si Marco kaya wag ka nang magtaka pa.
"O ANDITO NA TAYO ANAK.". pukaw ni Dad sa pag-iisip ko.
Minasdan ko muna ang building ang taas at sa entrance ng Building may nakalagay ng DELFRANCO CONSTRUCTION COMPANY.
BINABASA MO ANG
My Sweet Seven
Romance"Hindi ako tomboy! Kaya kung pwede lang noh tumabi ka sa dinadaanan ko!" sigaw ko sa matangkad na lalaking nakaharang sa hallway. Sa pagkakaalam ko Marco ang pangalan ng lalakeng ito. "Ows talaga? Sige nga kung Hindi ka nga Ganon o di patun...