CHAPTER THIRTEEN

45 4 0
                                    

Sa isang Apartment kami huminto. Nagpark lang si Quiros sa tapat ng Gusali saka kami bumaba. Kinuha niya Mula sa akin ang Backpack bag na dala ko. Saka nito hinawakan ang kamay ko.

       "Just relax. Sev. I'm sure Mom will likes you."  alam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko kasi kabado talaga ako. Paano kung masungit ang Nanay niya?

        Nagsimula kaming maglakad papasok ng Gusali. Medyo may kalumaan na nga ang Apartment nila Quiros o baka kulang lang sa pintura kaya mukhang luma at madim.  Pumanhik kami ng hagdan sa third floor pala ang Unit nila.

         Ilang hakbang pa Bago kami huminto sa harap ng Isang pinto. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Quiros.

        "Relax."  bulong nito saka kumatok. Nakatulong katok siya bago nagbukas ang pinto.

        Isang napakagandang Babae ang bumungad sa amin. Napatitig ako sa kanya. Pano ba naman may angulo siya ng kamukha halos gaya kay Marco. Ganon din si Quiros... kaya lumakas lalo ang kaba ko. Baka ang kambal na tinutukoy ni Quiros ay si Marco! Isa pa magkasing edaran sila.

        "Sev. You're spacing out. Mom was talking to you.". malambing na puna sakin ni Quiros.

         Alanganin akong ngumiti.  "Hello po. I'm ---"

         "Seven. Right. Well these guy here talks about you all the time. Oh! Come in! Come in."  aya nito ng maalalang nasa labas pa kami ng pinto nila.

        Yumuko si Quiros.  "Told you. Mom will like you."

        Saka ito umakbay sa akin at sabay kaming pumasok.

        Malinis ang buong Bahay nila Quiros. Lahat nasa Lugar wala akong maipintas sa kabuoan nito. Umupo kami sa couch. Saka binuksan ni Quiros ang TV para hindi siguro ako mailang.

       "Here's the remote. I'll help Mom in preferring our foods. But I'll make it fast. Just relax."  he lean on me and kiss me on my forehead. Napapikit na lamang ako. Ang sweet ni Quiros.

        Sinundan ko na lamang ito ng tingin papuntang kusina. Ang swerte ng Mommy niya sa kanya. Siguro magiging mabuting Ama si Quiros sa hinaharap.

         Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa TV. Ang ganda kasi ng palabas.

         Nagulat pa ako ng biglang nagsalita ang Mommy ni Quiros. Napahawak pa ako sa dibdib ko.

        "Sabi ni Quiros magkwentuhan na lang daw tayo at siya ng bahala sa Meryenda natin."

        "Nagulat ba kita? Sorry ha. Akala ko kasi narinig mo nung nilapag ko tong dalawang baso ng juice."

        "O-okay lang po ako. Ang ganda po kasi ng palabas eh." sabay turo ko sa TV.

        Umupo ito sa single couch na nakaharap sa kinauupuan ko.  "Tama si Quiros maganda ka nga."

        "H-ho? Hindi naman po nadala lang po ata ng ayos ng buhok."  ramdam kong nag-init ang magkabila kong pisnge.

        Ngumiti ang ito. Talagang may galawan siya na kagaya ng kay Marco.  "Ramdam kong mabait kang Bata. Alam mo bang Ikaw pa lang ang dinala dito ng Anak ko. Madami siyang dini-date dati pero ni isa wala siyang pinakilala sa akin. Ikaw pa lang. Ay oo ng pala hindi mo pa pala ako kilala Tama."

        Tumango ako.

        "Tawagin mo na lang akong Tita Agnes."

         "Okay po Tita. Agnes."

         "Anong masasabi mo sa Anak ko?"

         Nilingon ko muna si Quiros. Busy ito sa kung anong ginagawa niya sa kusina. Saka ako bumaling kay Tita Agnes.

My Sweet SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon