27: Volleyball game

3.3K 79 8
                                    


Mikhaela.

" Hey, okay ka lang?". Worried na tanong ni maris sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid dito.

" Yes I'm okay".

" Are you sure?". Paniniguro nito.

" Yes I'm sure ". Sagot ko naman dito.

" Okay, so are you excited sa match natin ngayon?". Masayang tanong nito.

Isang Oras nalang kasi ay mag sisimula na ang first match ng NCAA.

" Yes,  gusto kong makuha ang championship this year or kahit first place lang". Seryusong sagot ko dito .

" We'll do everything para manalo captain". Deteminadong singit ni Kayla sa usapan namin ni maris. Si Kayla naman Ang opposite hitter namin. While me, Ako ang open spiker.

" Okay guys mag warm up na kayo bilis!". Sigaw ni couch sa amin.

Nag si tayuan naman kaming lahat.

" Janna, hali ka muna dito!". Napalingon ako ng tawagin Ako ni couch. Agad naman akong lumapit Kay couch

" Yes coach?". Ani ko pagkalapit dito.

" Ipinabibigay pala ito ni professor arceta". Anito at nginitian ako ng makahulugan. Napa kamot nalang ako sa batok dahil sa hiya. Well di naman lihim sa mga tao sa school Ang about sa amin ni miss ma'am dahil kalat na Ang relationship namin sa boung school. Hinard luanch ba naman ako.

And speaking of miss ma'am, matindi ang panunuyo ko dito Nung nakaraan. Nag selos ba naman Kay maris, Buti nalang wala akong pasa pagkatapos niya akong batuhin ng kung ano ano sa office niya..

" Sana all captain!". Sigaw ng mga ka teammates ko.

" Sana all may nag bibigay ng tubig at towel !". Pang aasar nila.

" Mag hanap Kasi kayo ng bebe!". Sigaw ko pa balik.

Napapailing nalang si coach sa mga asaran namin.

" Salamat coach". Pasasalamat ko dito.

Nilagay ko sa bench ang tubig at towel Kong saan naka patong ang sports bag ko.

_______________

Hiyawan ng mga tao ang maririnig mo sa boung araneta coliseum. Kasalukuyan nagaganap na kasi ang laro namin. Lamang ng anim na puntos Ang green archer at nasa unang set palang kami.

Nahihirapan kasi akong mag focus dahil di ko pa Nakikita si miss ma'am.

Nakita ko na kanina ang mga kaibigan ko pati Sina miss mathra at ibang kaibigan nila. Siya nalang talaga Ang di ko pa Nakikita.

" Janna! Focus sa laro!". Sigaw ni couch sa akin dahil outside na naman ang tera ko sa bola. Naka ilang unforced error na Ako first set palang.

Bigla namang pumito ang referee dahil tumawag ng time out Ang coach namin.

Nag si lapit kaming lahat Kay coach.

" Janna what's happening to you? Wala ka sa focus" . Seryusong tanong nito sa akin. Napayuko nalang ako dahil nahihiya ako sa mga teammates ko Lalo na Kay coach.

" I'm sorry coach, aayusin ko na ang laro".  Seryusong sagot ko.

" Janna wag mong Kalimutan ang lahat ng pagod at hirap sa training okay? Diba gusto nating Maka abot sa finals?". Tumango naman kaming lahat.

" Then focus tayo sa laro, set aside muna natin ang mga nag papa destruct sa atin okay?". Ngumiti si coach sa amin at nilagay Ang palad sa gitna naming lahat.

" Yes coach!". Sagot naming lahat, ipinatong ko ang kamay sa kamay ni couch sumunod naman ang mga ka teammates ko.

Pag peto ng referee ay agad kaming bumalik sa laro.

I love you professor A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon