BL-Taglish Romance
Rendy and Win's relationship is a bittersweet struggle. Rendy takes Win for granted, while Win, despite his unwavering love, feels unseen and unheard. Misunderstandings and silence have turned their once vibrant connection into a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WIN
I kept glancing at my computer screen to keep myself updated on the time. Five minutes before the clock struck 5 PM. Finally, after a long and tiring day, it's time to go home! I still don't know why I chose to major in Accounting during college. Makakita pa lang ng mga numero ay nahihilo na ako tapos ito pa ang pinili kong maging propesiyon. If it weren't for Wren, who helped me with everything before, I might have already changed my program. Hulog talaga ng langit ang best friend ko na iyon. Sayang lang dahil hindi kami parehas ng trabahong napasukan. We both started as Administrative Assistants at two different companies, but Wren received a promotion and is now an Area Manager. His company is well-known here in Riverside Valley, and I know he deserves all the success and recognition there. Sa sobrang abilidad at talino ba naman kasi ni Wren, ewan ko na lang talaga kung hindi pa siya mapansin at mabigyan ng tyansa na talaga namang nakalaan para sa kaniya.
"Win, pauwi ka na rin ba? Sabay ka na sa akin," asked Calvin, one of my officemates who also resides in Skyline Condominiums.
Ngumiti ako ng tipid. "Nagpasundo na ako kay Rendy, e. Sa susunod na lang ako sasabay sa 'yo. May lakad din kasi kami today. Ingat sa pagmamaneho, Calvin," sambit ko. Hindi ko magawang alisin ang ngiti sa labi ko simula pa kanina. Kaya kanina pa ako atat na atat mag-uwian ay dahil sa set date namin ni Ren. It has been a while since we last had a romantic dinner date. Sobrang na-miss ko lang talaga ang mga ganoong klase ng bagay sa pagitan naming dalawa. Napakadalang na lang din kasi niyang mag-aya dahil sa busy niyang schedule.
I heard Calvin's familiar hiss, which I always notice from him. Actually, hindi lang naman siya ang nagiging ganito ang reaksiyon sa tuwing nababanggit ko ang pangalan ng boyfriend ko.
"Rendy the walking red flag and you as the red flag enjoyer! Nako! When will you wake up, Win?" Komento niya habang iiling-iling. "O'siya, enjoy sa date niyo. Ingat sa pag-uwi mamaya. Bye, Win!" Umalis na rin siya pagkaraan. Sanay na rin ako sa mga violent reaction nila sa tuwing nababanggit ko si Rendy. Wala naman akong nake-kwentuhan sa kanila tungkol sa relasiyon naming dalawa. He's a rising star and a good-looking celebrity, so it's no surprise if anyone notices him, including my officemates. Dating a celebrity has its challenges. Sadiyang mahal ko lang si Ren kaya nakakaya ko pa ring yakapin lahat ng flaws at imperpections niya maging ang relasiyon naming dalawa.
Napabuntong-hininga na lang tuloy bigla ako habang naiisip ang mga 'to
Some of my officemates greeted me everytime they went past my corner. Nagmadali na lang din ako na maiayos ang gamit ko at saka mabilis na nag-time out sa biometrics. Naitext ko na si Ren kanina. He rarely checks his phone, so I'm just planning to call him after work.
Mabuti na lang at nakaabot ako sa elevator bago ito magsara. Our office is located on the 8th floor of this 10-story building. It would take time if I missed the elevator. I've noticed that some of my officemates are here inside. Hindi ko tuloy magawang makipag-usap sa kanila dahil abala ako sa pag-chat kay Ren sa kaniyang Messenger. He's not responding to my phone calls and text messages, so I will try to reach him through his dummy account.